How Tala helps you grow

Libu-libong mga Pinoy ang lumapit sa Tala para sa makapagtayo at expand ng sariling negosyo, magbayad ng tuition, o ‘di kaya maging handa sa anumang emergency. Sa Tala, naniniwala kami sa importansya ng responsible lending upang masigurado ang growth ng aming mga customer. Kaya naman, ‘pag patuloy ang ‘yong suporta sa Tala, umaakyat ang ‘yong limit habang bumababa ang mga fees.

Narito ang iilang paraan na tinutulungan ng Tala ang ‘yong growth: 

Loans na swak sa ‘yong lifestyle

Sa takbo ng buhay ngayon, ‘di maiwasang maging busy ang araw-araw natin. Kaya sinigurado namin na ang pag-apply sa Tala ay magagawa sa loob lamang ng ilang minuto. Walang papeles, walang pagbisita sa bangko na kailangan sa Tala. Basta approved ka, makukuha mo ang loan kaagad.

Habang tumitibay ang ‘yong relasyon with Tala, tumataas din ang ‘yong loan limit. ‘Yan ang growth with Tala.

Fair and transparent pricing

‘Di tulad ng ibang lenders, walang charged interest ang Tala sa mga loans. Meron lamang maliit na one-time fee. Sa Tala, gumagamit kami ng performance-based pricing para ma-reward ang mga consistent borrowers with our lowest fees. Makikita mo ito bago tumanggap ng loan mula sa Tala – hangga’t sa buong duration ng ‘yong loan. ‘Di ito nagco-compound kaya ‘di mo kailangang hulaan ang amount due sa katapusan.

Customer service na pwedeng pagkatiwalaan

Isang click lang, nandyan na ang Tala! Pwede mong kontakin ang aming customer care team sa Tala app kailanman o ‘di kaya mag-email sa support@tala.ph at sasagutan namin ang mga tanong doon. Nago-offer din ang Tala ng flexible payment plans para sa mga nakaranas ng anumang unexpected financial setbacks. 

Libreng financial education

Para makagawa ng better life decisions, kailangan ng control over your financial life. Sa Tala, libre ang financial education sa Learn Center. Makikita mo ito sa ‘yong Tala app. Sa Learn Center pwedeng makabasa ng latest articles and tips tungkol sa budgeting, savings, business, at debt management. Nago-offer din kami ng personalized financial coaching at libreng online courses para sa mga eligible customers.

Sama-sama, sabay-sabay ang pag-unlad with Tala!