I-expose natin ang mga modus ng scammer!
Ka-Tala, libre lang mag-download ng Tala app sa Google Play Store. Wala kang dapat bayaran na anumang amount bago ka makapag-apply ng loan. Iwasan ang mga modus.
MODUS #1
Kung mayroong magcha-chat sa inyo sa Messenger o magte-text na kailangan munang maghulog ng pera bago mag-loan at ipapangako sa inyo na ibabalik din ang inyong pera pagkatapos ma-approve, ‘wag kayong maniniwala.
MODUS #2
Kung dati ka ng naglo-loan sa Tala, pero hindi ka na makapag-reloan pagkatapos mong magbayad, o kaya naman ay gusto mong makakuha ng mas mataas na loan. Kung may mag-cha-chat sa inyo na makakapag-reloan kayo ng amount na kailangan ninyo basta’t maghulog muna kayo ng pera, ‘wag kayong maniniwala.
MODUS #3
Kung may kakatok sa inyong lugar o bahay at magpapakilalang empleyado ng Tala upang tulungan kayong mag-apply, ‘wag kayong maniniwala. ‘Wag ninyong ibigay ang inyong information at ID pictures sa kanila. Maaari nilang gamitin ang inyong identity para sila ang makakuha ng inyong loan.
MODUS #4
Kung may mag-cha-chat sa Messenger at hihingiin ang iyong information tulad ng birthday, phone number, email address, full name, address, at ID picture para i-assist kayo sa pag-apply ng loan, ‘wag na ‘wag kayong maniniwala.
Bakit hindi ka dapat maniwala?
- Hindi ka namin icha-chat sa Messenger.
- Hindi ka namin pupuntahan sa bahay.
- Ang loan application ay sa pamamagitan lamang ng Tala app. Sa Tala app lamang dapat mag-upload ng inyong ID at magbigay ng inyong information.
- Wala kang dapat bayaran bago ka makapag-loan sa Tala.
- Hindi sasabihin ng aming team kung magkano ang iyong susunod na loan amount. Makikita mo lamang ito sa mismong Tala app.
Gamitin lamang ang Tala app sa pag-apply ng loan at protektahan ang inyong personal information. Maging maingat at matalino, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction..