Back to main page

Beware of Coins and Bank Cashout Scams!

Kahit saang business, nakaabang ang mga scammer kaya maging maingat sa pagbibigay ng personal information. Baka hindi mo namamalayan na ang mga simpleng information ay ginagamit na pala para mabiktima ka ng scam.

Kung wala kang bank account pero may natanggap kang notification na nakapag-cash out ka ng loan sa bank, tiyak na nakapagtataka! At kung wala ka namang Coins account pero may pumasok na loan sa Coins, baka hindi mo namalayan na-scam ka na pala dahil na-hack ang iyong account! Nais naming linawin na hindi ito inside job.

Ka-Tala, sa blog na ito, nais naming tutukan kung paano makakaiwas na mapunta sa Coins account at sa bank account ng scammer ang iyong Tala loan. Ingatan ang personal information para hindi ma-hack ang iyong account.

1. ‘Wag ibibigay ang iyong One-Time Pin o OTP kahit kanino

Pin code man ng iyong Tala account, Coins account, o bank account, ‘wag na ‘wag mong ibibigay, ka-Tala! Napakahalagang impormasyon ito para maka-log in sa iyong account. Kapag binigay mo ang iyong pin code, katumbas nito ang pagbibigay ng susi ng bahay sa magnanakaw.

Tandaan na hindi namin hihingiin sa iyo ang iyong OTP, pin code, verification code, o password. Kaya kapag may nanghihingi sa iyo nito, ‘matic na scammer ‘yan!

2. ‘Wag ibibigay ang phone number sa scammer

Gamit ang FB Messenger o unauthorized email address, maaaring tanungin ka ng scammer kung ano ang registered phone number sa iyong Tala account. ‘Wag mo itong ibibigay! 

3. Subukang gumawa ng Coins account

Kung wala ka pang Coins account, maaari naming maipayo sa’yo na gumawa ka na rin ng account sa Coins.ph at i-register ang phone number na ginamit mo sa iyong Tala account. 

Bakit? Dahil maaaring gawan ka ng Coins account ng scammer at mag-cash out sila gamit ang Coins. Kailangan lang nilang malaman ang Tala registered phone number mo at ang OTP ng Coins na ise-send sa iyong phone number. Tiyak na hihingiin nila ito sa’yo.

Kapag pumasok na sa Coins account na ginawa ng scammer ang iyong loan, maaari nang ma-transfer sa kanila ang iyong loan nang wala kang malay. 

Nakakatakot pero kayang kaya mong iwasan ito! Basta’t ‘wag mong ipapaalam ang iyong registered phone number sa Tala at ‘wag mong ibibigay ang OTP. Maaaring sabihin ng scammer na magse-send sila ng code sa’yo at kailangan nilang malaman ito. Naku! Maaaring sinusubukan ka na nilang biktimahin sa oras na ‘yan.

4. ‘Wag ibibigay ang iyong date of birth

Gamit ang iyong date of birth, maaaring subukan ng scammer na mag-cash out ng loan na mapupunta sa bank account nila.

Ang ating birthday ay pangkaraniwang impormasyon na maaaring alam ng ating mga kaibigan at kakilala. Ngunit ito ay napakahalagang impormasyon para sa mga scammer! ‘Wag basta magtitiwala kung may magtatanong sa’yo ng iyong kumpletong date of birth. Hangga’t maaari, gawing private ang impormasyong ito sa iyong social media account.

Isiping kayamanan ang iyong personal information tulad ng OTP, birthday, at Tala registered phone number. Dapat itong ingatan at hindi basta ibinibigay sa iba. 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: