Sa panahon ngayon, madaming mga bagay ang napapadali ng technology. Sino bang mag-aakala na by the year 2022, pwede mo nang matawagan ang mga taong hindi mo laging nakikita o nakakasama sa pamamagitan ng video call. Pwedeng-pwede ka na ding magpadala, mag-ipon, at kumuha ng loan, at gumawa ng financial transactions online! Kung iisipin mo ito nung taong 2000 parang imposible, ‘di ba?
Pero kasabay ng convenience na dala ng technology– ang bad news, naglipana din ang mga online scams. Pero sa kabilang banda naman, may good news din; pwede ring makaiwas sa scam. Kailangan lang maging wais at mapanuri. Kaya kung ikaw ay first-time user o nag-aapply na uli ng panibagong loan sa Tala, narito ang tatlong tanong na pwede mong gawing gabay kung paano makaiwas sa ma-scam.
Ayon sa pag-aaral ng Tala, karamihan sa mga nabibiktima ng scam ay sinasabing may nakausap daw sila na nagsabing empleyado daw siya ng Tala. ‘Wag basta-basta maniniwala dito
1. Sino ba ang kausap ko?
Bago maniwala, humingi muna ng pruweba. ‘Wag mahihiyang humingi ng I.D. o kahit anong katibayan para lang malaman for sure kung legit na ang kausap mo. Kung may kahina-hinalang message o tawag na natanggap, i-report agad ito sa pamamagitan ng ating authorize channels:
Tala In-app Chat
Email: support@tala.ph / paymentsupport@tala.ph
Tala Zendesk Support: https://talaphilippines.zendesk.com/hc/en-us/requests/new
At syempre, only follow the official social media pages of Tala on Facebook para sa mga importanteng announcements.
At laging tandaan, sa Tala app lang malalaman kung ikaw ay makakakuha ng loan o hindi.
2. Posible nga ba talagang mangyari ang inaalok sa akin?
Oops, teka muna, Ka-Tala, ‘wag muna masyadong excited. Suriin at intindihin muna ang offer ni banker, este ng kausap mo pala. Hindi masamang magtanong, at kung legit ang iyong kausap, sigurado namang mayroon siyang maayos at konkretong sagot sa iyong mga tanong. Dahil ang tunay na legit ay yung maasahan sa kahit ano mang oras o sitwasyon!
3. Anu-ano bang detalye ang dapat kong ibigay, at sa panong pamamaraan?
Anu-ano bang detalye ang dapat kong ibigay, at sa panong pamamaraan?
Payong kaibigan, Ka-Tala, ang personal details ay dapat ingatan at pangalagaan. Hindi ito dapat basta-basta ibinabahagi kung kani-kanino lamang dahil baka ika’y mabiktima ng identity theft.
Kaya naman kung may nanghihingi ng iyong personal details, may karapatan kang magtanong kung para saan ito gagamitin, at pwedeng pwede ka ring tumanggi.
With Tala, safe ang iyong personal information dahil we adhere to Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Tandaan, hinding-hindi namin kailanman hihingin ang mga sensitibong impormasyon katulad ng OTP, PIN o ang iyong Date of Birth.
Kaya naman, ka-Tala, mapa-online man o sa totoong buhay, doble-ingat tayo!