Mga ka-Tala, “petsa de peligro” na naman. Para bang ang layo pa ng sweldo, at sa wallet mo, puro barya at resibo na lang ang nakikita? Paano nga ba tayo makakaraos sa mga panahong ito?
Signs na Petsa de Peligro na:
1. Itlog na ang ulam everyday
Kapag ang ulam mo ay puro itlog na, hanggang katapusan na yata ‘yan. Pero ‘wag mag-alala ka-Tala, ang itlog ay hindi lang masarap, kundi healthy pa! Subukan ang iba’t ibang luto: nilagang itlog, tinolang itlog, scrambled, sunny side up, at kahit adobong itlog!
2. Naka-on ang “baon mo ay baon ko rin” mindset
Naranasan mo na rin bang makikain sa katrabaho mo? Tuwing petsa de peligro, nagiging “sharing is caring” ang tanghalian! Pasasalamat sa mga nagbabaon at binabaonan para makatawid ang budget ng katrabaho. Pero dapat may baon ka rin para sa susunod na laban ng baon. Ka-Tala, kailangan, “sharing” pero “preparing” din kapag ikaw naman ang nakakaluwag luwag.
3. Tubig tubig lang muna
Kapag malapit na ang petsa de peligro, madalas napipilitan ang karamihan na mag-water fasting. Parang sa bawat lagok, busog agad! Pero habang nagtu-tubig lang muna, huwag kalimutan ang kalusugan. Mag-ingat sa sobrang water fasting; kahit nasa “petsa de peligro” ka na, mahalaga pa rin ang balanseng nutrisyon! Samahan ang tubig ng mga vitamins at healthy snacks.
Mahirap talaga kapag “petsa de peligro” na, pero may mga tips kami na pwede mong subukan.
Tips para makaraos:
1. Maging bugetarian
Mga ka-Tala, kung pakiramdam mo ay unti-unti nang nauubos ang budget mo, subukan mong maging “bugetarian.” Ibig sabihin, itodo ang tokwa o mga budget meals! Ang tokwa ay kaya gawing ulam sa loob ng dalawa o tatlong araw at sa Sa ₱40.00 na budget, makakatawid na ang iyong budget. Subukan din ang mga budget meals para sa abot-kayang ulam sa halagang ₱20.00-₱50.00.
2. Mag-ipon ng kahit maliit na halaga
Huwag maliitin ang maliit na halaga! Subukan mong mag-ipon ng kahit ₱10.00 o ₱20.00 araw-araw. Sabi nga, “maliit man, basta’t tuloy-tuloy.” Kapag consistent ka, malayo ang mararating nito! Pwede mo itong hugutan kapag may biglaang mga gastusin.
3. I-download ang Tala app, now na!
Mga ka-Tala, mabilis na solusyon sa mga panahong kinapos ang budget ba ang hanap? I-download mo na ang Tala app! Sa Tala, pwede kang humiram ng mabilis at flexible na loan na makakatulong sa’yo sa mga sitwasyong biglang bumuhos ang gastusin. Ang mahalaga pa, isang valid ID lang ang kailangan mo para makapag-apply.
Sa Tala, makakakuha ka ng instant na loan na may simple at madaling proseso. Ang perfect partner mo sa #petsadepeligro