Marami sa ating mga Pilipino ang gustong mag-business. Sino ba naman ang ayaw kumita sa oras na gusto nila? Pero sa totoo lang, hindi ganun kadaling magpatakbo ng isang negosyo. Kaya naman magandang nagtatanong tayo ng advice mula sa mga taong experienced na sa pagnenegosyo tulad ng mag-asawang si Rudy and Rosiell De Leon, na nagsimula lamang sa 20 pesos at pagbebenta ng yelo sa kanilang village at ngayon ay may iced candy business na kumikita ng milyun-milyon. Alamin ang mga practical nilang advice upang mapaganda ang pagpapatakbo ng isang negosyo.
Susuka pero wag susuko
Hindi madali mag-negosyo. Minsan panalo, minsan talo. Pero nagiging talo lang talaga pag sumuko ka na. Sabi nga nila, hindi ka pa talaga nagbubusiness pag hindi ka pa nalulugi. Yung oras na nalulugi ka, ibig sabihin lang na may paparating na pera sa inyo. Patience at pagpupursigi lang ang kailangan para gawing successful ang business niyo. Kwento nga ng mag-asawa, hindi sa lahat ng oras ay kumukita sila. At maraming beses din na kinailangan nilang sumugal sa mga desisyon na hindi nila alam kung kikita ba o hindi.
All-in dapat!
Mahirap mag-negosyo on the side. Para lumago ang business, tutok ka dapat dito. Hindi lang pera ang pinupundar mo sa business, oras din. Paglaanan ng oras upang pag-isipan, planuhin at isatupad lahat ng kailangan gawin para sa inyong negosyo.
Alamin kung bakit mo nga ba ito ginagawa
Siyempre may rason dapat kung bakit mo gustong mag-negosyo. Para sa mag-asawa, ito ay para matustusan ang gastusin ng mga anak nila. At dahil sa rason din na iyon ay pinangalanan nila ang business nila na kapangalan ng kanilang bunsong anak. Pag alam mo kung bakit mo ginagawa ang pag-bubusiness mo, mas gaganahan ka upang lalong palakihin ito.
Dapat may back-up plan
Noong magsimula sa business ang mag-asawa, hindi iced candy ang una nilang ibinibenta. Nagsimula sila sa yelo. Pero ang naging realization nila, ay hindi ganun kabenta ang yelo kapag maulan o malamig ang panahon. Ibig sabihin halos kalahati ng taon, hindi sila ganun kabenta. Kaya naisip nila ang iced candy. Ang bata kasi, walang pinipiling panahon sa paghahanap ng mga matamis at malamig na pagkain tulad ng iced candy o ice cream. Ang back-up plan nila, ang siya pang naging pinakamalaki nilang negosyo.
Maging wais sa kinitang pera
Nasa kultura na nating mga Pilipino ang magdiwang o mag-celebrate kapag may na-achieve tayo o magkaroon tayo ng extrang pera. Kaya madalas nating marinig ang “pa-inom ka naman diyan” o kaya “pa-cheeseburger naman diyan.” Tandaan na hindi basta-basta kinita ang perang iyan. Pinaghirapan mo iyan nang mabuti. Kaya ang unang dapat planuhin, ay papaano nga ba papalaguin ang perang pinaghirapan. Iyan ang tinatawag na “business mindset.” At ito ang isa sa mga naging sikreto ng mag-asawa kung papaano nila napalaki ang business nila. Kahit tempting na gumastos sa mga bagay-bagay na panandaliang ikatutuwa nila, mas inisip nila ang pangmatagalang lagay ng pera.
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.