Back to main page

Loving Yourself First

“Paano ka magmamahal ng iba, ni sarili mo ‘di mo kayang mahalin?” ‘Yan ang kasabihan ng maraming nauna sa ‘tin. 

‘Di talaga maiwasang magpadarama ng nararamdaman o ‘di kaya i-express ang kilig lalo na pagdating ng buwan ng mga puso. Kasama na rito ang pagbili ng mga mamahaling regalo at paggastos sa date para sa mga minamahal natin. Madalas, ang kinalalabasan nito – petsa de peligro!

Ayon sa research, higit PHP 2000 ang average spend ng isang Pinoy sa regalong pang-Valentine’s. Ang prublema – madalas wala ito sa monthly budget o ‘di kaya binabawas ‘to sa savings. ‘Pag nangyayari ‘yon, may pagsasakripisyong nagaganap sa ibang expenses gaya ng rent, utilities, at basic needs.

PAYONG KA-TALA: BAGO MAGMAHAL NG IBA, SARILI MUNA. 

Tala Philippines Presents: Self-Love Never Dies

Ngayong buwan ng puso, nais ng Tala Philippines iparating sa lahat na habang walang mali sa pagmamahal sa iba, mas importanteng mahalin ang sarili muna. Tama na ang pagiging martyr, ka-Tala! 

Narito ang iilan sa maraming paraan sa pagpapakita ng self-love o pagmamahal sa sarili:

LUTONG BAHAY 

‘Yung panggastos mo sana sa gimik, ipambili mo na lang ng fresh ingredients para makaluto ng fresh home-cooked meal! Mas marap ‘pag pinag-effortan! 

LINIS BAHAY 

Walang katulad sa feeling ng umuuwi sa malinis na bahay. Isa ‘tong mabisang paraan ng self-love! 

MATUTO NG BAGONG SKILL

Self-love comes in many ways. Isa dito ang matuto o magpraktis ng bagong talent or skill! Sa pagsayaw, sa pagluluto, o kahit anong talent pa man – push mo yan!

BAYAD BILLS AT UTANG

Unahin ang sarili by paying your bills and debt. Magtiwala sa ‘min, ka-Tala! Ang pagiging financially responsible ay isa sa pinakamagandang paraan of #LovingYourselfFirst! Magaan sa pakiramdam, bawas prublema, at dagdag ginhawa. 

For more content and announcements, visit the official Tala Facebook page


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: