Mga ka-Tala, sa ganitong panahon napapasubok ang tunay nating tatag at lakas. Sa laban kontra COVID-19 virus, sinisigurado ng Tala Philippines na kaagapay niyo kami. Sa mga oras na ngayon, dapat bigyang importansya ang pagiging alisto, maingat, at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa tao.
Para sa kaligtasan ng lahat, maaaring basahin ang mga tips na ito:
GAWING HABIT O UGALIIN ANG MAG-SANITIZE
Ayon sa World Health Organization, maaaring ma-contact ang virus sa pamamagitan ng ating mga kamay. Dahil ang COVID-19 ay diumano nanggagaling sa droplets ng ubo at sipon na kumakalat sa mga bagay na madalas nating hinahawakan, ipinapayo ng health officials na laging maghugas o gumamit ng rubbing alcohol sa kamay.
Ito ay makakatulong sa pagpatay ng virus cells na maaring kumalat sa katawan.
KUNG NAUUBO O NABABAHING, MAGTAKIP NG BIBIG AT ILONG
Kasama sa mga sintomas ng COVID-19 virus ay ang pagkakaroon ng ubo’t sipon. Dahil dito, payo ng health officials ay ang magkaroon ng cough etiquette. Ibig sabihin nito ay ang pagtatakip ng bibig at ilong t’wing nauubo o nababahing sa pampublikong lugar.
UMIWAS SA LUGAR NA MAY MARAMING TAO
Umiwas sa mga lugar na madalas dinadagsa ng tao. Kung may isa sa kanila ang infected, malaki ang posibilidad na magkaroon ng rapid spread. Kung may pagkakataon magtrabaho lamang sa bahay, maaaring gawin ito.
AVOID HUMAN TOUCH
Sa ngayon, hindi pa gaanong kaklaro ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-contact ng COVID-19 virus. Ngunit sa loob ng ilang buwan, at ayon sa current infection cases worldwide, maaaring human touch o ang paghahawak sa kapwa tao ang isa sa mga sanhi nito.
Maaring umiwas muna dito. Mag-praktis ng ibang pamamaraan ng pagbati sa mga pamilya, kaibigan, at ibang mahal sa mga buhay. Kasama na rito ang verbal greeting o simpleng pagkaway.
‘WAG MAG PANIC BUYING O HOARDING
Sa bawat oras na ginamit sa pag-hoard ng rubbing alcohol, surgical masks, at iba pang gamit panlaban sa sakit – tinatanggalan natin ang ibang kapwa Pilipino ang pagkakataong maprotektahan ang sarili. In return, lumalaki ang chance of spread ng virus na ito.
KUNG MAY NARARAMDAMAN NA SINTOMAS, MAAARING TUMAWAG SA OSPITAL
Higit sa lahat, dapat nating pakinggan ang ating mga katawan. Kung may nararamdaman na sintomas na pwedeng iugnay sa COVID-19, mabuti nang magpa-test sa ospital para masigurado ang kalagayan. Isa rin ‘tong preventive measure na makakatulong sa pag-contain ng virus.
Stay safe, mga ka-Tala.
For Tala loan concerns during the widespread of COVID-19, please read Tala Philippines’ statement below:
“Ngayong nagdeklara na ang Department of Health ng Code Red sa lumalaganap na COVID-19 virus, alam naming lubos ang ating pag-iingatan sa kalusugan ng pamilya at komunidad.
Sa Tala, gusto namin panatag ka. Business as usual pa din kami, pero inuuna pa din namin ang ang health and safety ng aming mga empleyado. Dahil dito, gagawa kami ng adjustments sa aming operations.
Maari po kayong makaranas ng konting delays sa mga loan and application process,
pati na din sa customer support.
Maigi naming binabantayan ang sitwasyon na ito, at magbibigay kami ng updates kapag back to normal na ang Tala operations.
Mag-ingat po tayong lahat, mga ka-Tala. Salamat po sa inyong pag-unawa.”
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.