Narito ang ilang tips para matulungan ka sa pag-manage ng finances at manatiling ligtas sa oras ng COVID-19 pandemic:
Ilista ang lahat ng expenses
Bilang first step, importanteng gumawa ng detalyadong listahan ng ‘yong current expenses. Makakatulong ‘to sa pamapatagal ng ‘yong income at madadalian kang i-track ang ‘yong spending. Kasama dapat rito ang ibinabayad sa rent, utitlities, grocery, pagkain, at iba pa. Pagkatapos nito, mahalagang ma-identify kung alin dito ang mga NEEDS and WANTS.
I-adjust ang iyong budget: magbawas ng non-essential spending
Ipinapayo namin sa lahat na mag-reassess ng ‘yong current expenses. Mag-identify ng expenses na kailangan i-prioritize at mag-identify ng expenses na pwedeng bawasan. Tanungin ang sarili, ano ang kailangan para mag-survive? Sa oras ng panganib, mas magandang bigyang importansya ang essential needs at magtabi ng pera para sa emergencies.
Magtipid pagdating sa fixed expenses.
Maaaring bawasan ang ‘yong expenses ng malaking porsyento kung tututukan ang paggamit ng utilities tulad ng tubig, kuryente, at gasul.
Para makatipid sa water bill, isara ang gripo tuwing ‘di ginagamit. Patayin ang ilaw at ibang appliances ‘pag ‘di ginagamit para makatipid sa kuryente, at gumamit lamang ng gas stove sa kailangan na oras lamang para pababain ang gastos sa gasul o LPG.
‘Di lang ‘to ekonomikal para sa ‘yong wallet, kung ‘di na rin para sa kapaligiran!
Gumawa ng detailed grocery list
Pagdating sa grocery, gumawa ng listahan ng essential needs lamang at sundan ito. Siguraduhing kasama rito ang healthy items tulad ng prutas, gulay, legumes at seeds na nakaka-reduce ng expenses as much as possible.
Para sa household items tulad ng sabon, toothpaste, toilet paper, detergent, at iba pa – tandaan na ‘di kailangan mag impulse o panic buying
Kung namamahalan sa presyo ng rubbing alcohol at hand sanitizers, gumamit lamang ng anti-bacterial soap.
Ayon sa American CDC, sabon at tubig ang ating depensa laban sa pagkalat ng iba’t ibang virus. Gumamit lamang ng hand sanitizers na mayroong 60% alcohol kung ‘di available sa ‘yo ang tubig at sabon.
Tandaan, 20 seconds ang wastong tagal sa paghugas ng kamay!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.