Back to main page

Ang iyong next step ngayong COVID-19

Sa ayaw’t gusto, malaking pagbabago ang iniwan ng COVID-19. May pagbabago sa plano, nakakaranas ng reduced income, o ‘di kaya deferred payments. Mahirap man isipin, lalo na kung ipinaplano mo na ang ‘yong susunod na kilos sa oras na ma-lift ang enhanced community quarantine (ECQ), pero kailangan pa ring umabante ang buhay patungo sa positibo. 20

Mabuti nang prepared! ‘Di man natin mababago ang sitwasyon ng mundo, pero kaya nating kontrolin ang paraan na kung paano nating haharapin. Ang paggawa ng plano ay makakatulong sa pag-imagine ng accurate picture ng ‘yong financial situation. Higit dito, makakatulong ‘to sa pagbawas ng stress levels. Sa buhay post-ECQ, ang goal mo dapat ay maabot ang ‘yong basic needs bago sa lahat.

Para makapagsimula ka na, narito ang isang simpleng budget tracker!

Tara, kumuha na ng ballpen at papel at sundan ang instructions na ‘to: 

  1. Ilista ang pera mo o ng ‘yong pamilya na meron kayo ngayon. Kasama rito ang income, savings, sidelines, remittances, etc. 
  1. Magkano ang kailangan mo para sa basic weekly needs? Isama ang mga items tulad ng pagkain, tubig, utilities, at medical needs.
  1. Ano ang monthly expenses na kailangang bayaran pagkatapos ng ECQ? Isama pati ang rent, utilities, at iba pang bills. Kung may deferments, isama rin. 
  1. Kunin ang total na pera na meron ka, at ibawas ang monthly expenses.
  1. Ilang linggo bago ka sumahod ulit o makakatanggap ng pera? I-multiply ‘to sa basic weekly expenses. I-subtract ‘to sa total galing step 4.
  1. Kung may perang natira sa computation, e ‘di ayus! Gamitin ‘to para bayaran ang ibang outstanding needs tulad ng loan repayments at ibang expenses. Kung walang ibang bayarin, pwede ‘tong i-save!

Kung less than 0 ang natira, bisitahin ulit ang budget para makita kung anong pwedeng i-adjust sa spending. Hanapan ng ibang possibilities para makatipid gamit ang cheaper alternatives. Importanteng pasok ang budget sa perang meron ka ngayon.

Laging tandaan kung kailan due ang monthly expenses para maiwasan ang late fees at penalties.

Iba-iba ang financial situation ng bawat isa, kaya maaaring ‘di ‘to masundan ng eksakto. Pero tiyak na makakatulong ‘to sa pag-guide sa planning at pag-identify ng priorities. ‘Di man maging perpekto ang ‘yong plano, pero importanteng maintindihan kung ano ang ‘yong kaya financially.

Sa lahat ng problemang dinanaan mo, ano pa kaya ‘to, ka-Tala? Kayang-kaya mo ‘to! 

Kung kailangan ng tulong sa pag-manage ng Tala loan, nandito kami para sa’yo! Maaaring i-contact ang aming team sa Tala app or email support@tala.ph.

Stay safe at mag-ingat lagi! 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: