Para satin mga Pinoy, ang June ay ang sumisilbing simula ng La Nina o ang rainy season. Unti-unting lumalamig ang panahon at nagiging presko ang pakiramdam. Pero sa kabila ng ginhawa’t sarap, kailangan paring mag-ingat at iwasan ang sakit sa katawan na pwedeng maging dulot ng malaking gastos!
Narito ang ilang investments na pwede niyong gawin ngayong rainy season:
Payong Goals
‘Wag nang magsayang ng pera sa low-quality na payong, ka-Tala. ‘Pag heavy duty ito, mas magandang proteksyon ang mabibigay nito at makaksigurado kang malakas ang dipensa mo sa malalalakas na hangin at ulan.
Kapote na ‘di Kamote
Gandahan na rin ang pagbili ng kapote o raincoat. Siguraduhing water-resistant ito at ‘di tatagos ang tubig sa damit. Sa katagalan, mapapanutayan mong matibay ito at makakatulong sa pang araw-araw na kilos.
Boot(i) na lang Mayroong Boots!
At t’wing bumabaha, mas prone tayo sa sakit na pwedeng dumaan sa ‘ting mga paa. Kung kinakailangan talagang lumusong sa matataas na tubig, siguraduhing may boots na pangmatagalan!
The New Normal
Tutal, inugali na nating magdala lagi ng alcohol at face mask, ituloy-tuloy na natin ‘to! Ika nga nila, ito na ang new normal.
Vitamins
Ngayon na pinatibay mo na ang depensa ng labas ng ‘yong katawan, oras nang patibayin ang loob sa tulong ng vitamins.
Ingat lagi, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.