Kahit san man mapunta, parati nating mababangga ang isang sari-sari store. Softdrinks, fish crackers, kendi, de lata, at kung anu-ano pang pwedeng bilhin – tiyak meron yan sa local sari-sari store mo.
Convenient ito dahil para sa mga ibang tao, ‘di na nila kinakailangang pumunta sa malayong supermarket o ‘di kaya grocery para makuha ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. At lalo na sa mga oras ng krisis katulad ngayon, ang sari-sari store ang wagi sa pag-aalaga ng maraming pamilya.
Kung ikaw ay may-ari ng isang sari-sari store, o may kakilalang meron, siguradong makakatulong ‘to sa inyo! Narito ang aming Business Bounce Back tips!
BANTAYAN ANG INVENTORY
Ang inventory o stock ng isang sari-sari store ay ‘di katulad ng isang malaking institusyon kagaya ng grocery. Madalas, ang mga may ari ng tindahan ay bumibili lamang ng kanilang paninda sa mga wholesale o grocery din mismo.
Importanteng parating merong stock ang mga pangkaraniwang pangangailangan ng ‘yong komyunidad tulad ng canned goods, basic toiletries, prepaid load, at bigas. Kung makita ng ‘yong customers na binibigyan mo ng halaga ang ‘yong inventory, tiyak na babalik sila sa’yo!
TUTUKAN ANG INCOME & EXPENSES
Ang ‘di nating gusto mangyari sa kahit na anong negosyo ay yung makita itong nalulugi. Madalas, ang naluluging tindahan ay isang kaso ng higher expenses, less income. Ka-Tala, isang mahalagang tip para matutukan ito ay ang paglista ng monthly expenses at income. Kailangan bawat buwan, ay mas mataas ang pumapasok na pera kaysa sa palabas.
Tignan ang listahan ng mabuti. May mga pwede bang bawasan? Tanggalin? O ‘di kaya palitan? Ang sagot sa mga tanong na ‘to ay malaking tulong sa pagpapaunlad ng ‘yong income at sa tagal – ng ‘yong negosyo.
MAKISAMA SA KOMYUNIDAD
Para sa marami, ang sari-sari store ay isang iconic na lugar para sa kanya-kanyang barangay. Isa itong lugar na kung saan pwedeng magkita ang mga kapitbahay, kaibigan, at pamilya. Sa madaling salita, ang halaga ng sari-sari store para sa isang komyunidad ay napakalaki.
Bukod sa pagtitinda ng pang araw-araw na pangangailangan, ito rin ang pinagmumulan ng magagandang kwento, tawanan, at good memories. Saludo sa lahat ng sari-sari store owners diyan.
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.