Tipid gifts ngayong Pasko!

Sa Tala, naniniwala kami na ang bawat Pinoy may special talent. At ngayong COVID-19 pandemic, napatunayan namin lalo ito. Sunod-sunod lumabas ang mga small businesses ng mga tao gamit ang kanilang skills sa pagluluto, pananahi, pagtuturo, at kung anu-ano pa.

Sa madaling salita, naging income generating source pa ang kanilang mga talento sa buhay. At ngayon na papalapit na ang Pasko, mas lalo nang magagamit ito! Narito ang iilang Tipid Gifts na pwede nating ibigay ngayong Pasko!


HOMEMADE WITH LOVE 

Ube-Cheese Pan De Sal? Cookies? Sushi Bake?

Anuman ang ‘yong specialty na luto, pwedeng-pwede ito maging regalo para sa ‘yong minamahal ngayong Pasko! Bukod sa mas mura ito kaysa sa mga nabibili sa mall, punong puno ito ng pagmamahal!

THE GIFT OF EDUCATION 

Kung ikaw ay isang eksperto sa isang larangan, maaaring ibigay ang ‘yong free services sa ‘yong mga minamahal ngayong Pasko. Halimbawa, kung ikaw ay isang fitness intructor – pwede kang mamigay ng free one month coaching sa ilang mga tao! Kung ikaw ay isang financial coach, pwede ka rin mag-mentor ng iilang tao, free of charge!

Para sa ilang tao, ito ang the greatest gift of all!


SELF-LOVE 

Sa usapang tipid gifts ngayong Pasko, walang hihigit pa sa pagmamahal ng ating sarili. Ngayong 2020, ‘di biro ang lupit ng hamon na naramdaman ng buong mundo. Kaya ngayong Pasko, ‘wag nating kalimutan mahalin ang sarili. Sa anumang paraan man, deserve mo yan ka-Tala.