Babala! Marami ang gumagawa ng fake Facebook page at nagpapanggap na sila ang legit na Tala para makapag-scam. Ginagaya nila ang logo, profile picture, cover photo, at posts ng Tala para magmukha silang totoo. Kumokontak sila gamit ang Messenger at kung minsan ay nagse-send pa ng friend request. Naku! Hindi legit ‘yon!
Isa lang ang Facebook page ng Tala. Mahalagang alam natin kung paano ma-identify ang tunay na Facebook page para hindi na tayo malilito kung legit ba o fake ang nabisita nating account.
Paano malalaman ang nag-iisang tunay na Tala Facebook page?
- PAGE TITLE
Ang pangalan ng aming Facebook page ay Tala (PH – Tagalog, English).
- BLUE CHECKMARK
Hanapin kung may BLUE CHECKMARK sa tabi ng pangalan ng aming page. Ito ang palatandaan na verified ng Facebook na legit ang isang page.
- WEB ADDRESS
Ang URL o web address ng aming Facebook page ay https://www.facebook.com/talaphilippines. Kung ang gamit mo ay browser, makikita ito sa address bar.
- NO CHATBOX OR MESSAGE BUTTON
Walang message button sa aming page dahil hindi kami nakikipag-chat gamit ang Messenger kaya kung may biglang mag-pop up na chatbox o message button sa binisita mong account, hindi legit ‘yon.
- 700K+ FOLLOWERS
Ang aming followers ay mahigit na sa 700K kaya kung ang makita mong page ay mas kaunti sa 700K, mag-isip ka na.
Ang 5 palatandaan na aming nabanggit ay mahalaga para sa inyong kaalaman nang makaiwas sa scam.
Muli, tandaan na nag-iisa lang ang aming Facebook page at hindi kami related sa iba pang page at individual account na nagpapakilalang related sila sa Tala. Mahigpit naming ipinapaalala na hindi kami magcha-chat at hindi rin kami magse-send ng friend request sa inyo.
Alamin ang totoo para hindi ka maloko!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.