Back to main page

Paano magbayad ng Tala loan gamit ang GCash?

GCash user ka ba? Takot sa virus kaya ayaw nang lumabas?

Siguradong good news ito para sa’yo! 

Mas madali nang magbayad ng Tala loan ngayon dahil nasa GCash na ang Tala! Hindi mo na kailangang lumabas basta’t may sapat na laman ang iyong GCash wallet para makapagbayad ng loan.

Kung wala ka pang GCash app, mag-download ka na sa Google Playstore. Highly recommended din na gawing fully-verified ang iyong GCash account para mas convenient ang repayment.

Pero teka, paano nga ba magbayad ng Tala loan gamit ang GCash?

  1. Mag-log in sa iyong GCash app
  2. Pindutin ang Pay Bills > Loans > Tala
  3. Ilagay ang reference number na galing mismo sa iyong Tala app, amount (kasama ang convenience fee), at contact details
  4. Makakatanggap ka na agad ng  payment confirmation SMS mula sa GCash 

Simple lang, di ba?

Paano makakuha ng reference number?

  1. Mag-log in sa iyong Tala app. Siguraduhin na ang iyong Tala app ay updated sa latest version para lumabas ang Gcash as payment option.
  2. Sa Tala app home page, i-click ang “Make A Payment” button
  3. Enter “AMOUNT” at i-click ang “Submit”
  4. Piliin ang GCash bilang payment method.
  5. Ito ay magje-generate ng reference number at amount kasama ang convenience fee.

Gets ba, mga ka-Tala? Unahin mo munang mag-generate ng reference number gamit ang sariling Tala app para kumpleto na ang information na ilalagay mo sa iyong GCash app pag magbabayad ng loan.

Paalala, ka-Tala! Sa mismong GCash app kayo dapat magbayad ng loan kung gusto ninyong magbayad via GCash. Sundin ang mga steps na aming ibinigay para hindi kayo ma-scam. Huwag humingi ng reference number sa ibang GCash o Tala user lalo na sa mga magcha-chat sa inyo sa Messenger dahil hindi namin matatanggap ang inyong payment kapag hindi ninyo sariling reference number ang inyong inilagay.

Kung may problema sa pagbabayad ng loan, mag-send lang ng email sa
support@tala.ph. Mag-ingat lagi, ka-Tala!


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: