Back to main page

PHP 100K Tala Ipon Challenge

Kasabihan ng marami, “New Year, New Me!” At ngayon na sumapit na ang bagong taon, maaaring may kanya-kanya tayong financial goals na gustong abutin – isa na rito ang pagipon ng pera o ang pagpapalaki ng savings.

Tutulungan ka naming makaipon, ka-Tala! Okay ba sa’yo ang Php 100K kapag nakumpleto mo ang aming challenge? Okay na okay, ‘di ba? Mas malaki sa pangkaraniwang Ipon Challenge na maaaring narinig mo na sa iba. 

“Posible bang makapag-ipon ako ng Php100K? Kaya ko ba? Baka naman hindi na ako makakain ‘pag ganyan!” Kung ganito ang tanong mo ngayon, ang sagot namin sa’yo, kayang kaya mo ‘yan, ka-Tala! 

No time pressure! Basta ipangako mo sa sarili mo na kukumpletuhin mo ang aming challenge para siguradong ma-achieve mo ang iyong goal! Bibigyan ka namin ng tracker na maaari mong i-print o gayahin para malaman mo kung gaano ka na kalapit sa pag-iipon ng Php 100,000. Exciting, ‘di ba? I-shade lamang ang bawat star ayon sa amount na iyong inipon.

“Bakit ba star at hindi bilog? Pauso ka, Tala!” Ang sagot sa tanong na ito ay dahil gusto naming bigyan mo ng star ang iyong sarili sa bawat amount na naiipon mo. Naaalala mo pa ba noong bata ka na kapag very good ka, tatatakan ka ng star sa kamay? 

Very good ka kahit pa simulan mo sa pag-iipon ng mga barya! Nagpapakita ito ng iyong progreso sa pag-achieve ng iyong goal! Bukod dito, gusto naming maalala mo na kasama mo ang Tala sa iyong financial journey. 

Ito na ang chart ng Php 100K Tala Ipon Challenge! Maaari mong i-print o gayahin para masimulan mo na ngayon ang pag-iipon.


I-print ang tracker na ‘to para makita ang savings progress!

Ka-Tala, para lalo kang ganahang mag-ipon, alamin mo sa iyong sarili kung bakit ka nag-iipon at para saan ka nag-iipon. Kapag alam mo ang dahilan at mayroon kang specific goal, mas lalo kang magkakaroon ng inspirasyon na kumpletuhin ang challenge na ito.

Ilan sa mga maaaring maging gawin kapag may Php100K ka na ay ang mga sumusunod:

  1. Gawing emergency fund
  2. Pambayad sa tuition fee o panggastos sa pag-aaral
  3. Pangnegosyo
  4. Pondo para sa kasal o pagtataguyod ng sariling pamilya
  5. Pambili ng kailangan
  6. Pambayad sa utang
  7. Gawing retirement fund

Mga paraan para makapag-ipon:

  1. Magtipid o magbawas ng expenses na hindi naman kailangan
  2. Ilaan ang bahagi ng mga bonus na matatanggap para sa iyong ipon challenge
  3. Subukang magkaroon ng extra income o side hustle
  4. Sa tuwing may sweldo o kita sa negosyo, magtabi muna ng pera para sa iyong savings

Ikaw pa rin ang magdedesisyon kung saan mo gagamitin ang iyong Php 100K na ipon. Ang mahalaga ay mayroon kang mapagkukunan sa anumang iyong ibig na gastusan.

Sana ay makatulong ang Php100K Tala Ipon Challenge sa iyo. Pwedeng pwede mo kaming i-update sa iyong progreso para ma-inspire mo rin ang iba pang katulad mo na gustong makapag-ipon. Sobrang excited na kami para sa’yo. We wish you all the best, ka-Tala!

Share this article now: