Ka-Tala, tapos na ang holidays, at balik kayod na uli tayo! Ika nga nila, welcome back to reality. Panahon na para mag higpit muli ng sinturon, at simulan nang asikasuhin ang mga judiths na paparating. At hindi lang iyan, ang ultimate goal na gusto naming makamit kasama niyo–ang financial freedom.
Kaya kung nahihirapan kang isipin kung saan ka magsisimula, narito ang 3 easy steps kung paano mo pwedeng simulan ang iyong road to financial freedom:
1. Ugaliing mag lista!
Ka-Tala, i-lista mo lahat. Mahalaga na alam mo at pinagpla-planuhan mo ang pupuntahan ng iyong pera. At sa pamamagitan ng paglilista, mas napag-iisipan mo at nakikita mo ang pang kabuuang sitwasyong pinansyal mo–ang mga paparating na bills, kung may mga utang na kailangang bayaran, at mga gastusing pang araw-araw. Pwede mo itong gawin sa notebook o kahit sa iyong cellphone.
2. Umiwas sa mga “small but terrible” na gastusin
Ano nga ba ang small but terrible na gastusin? Ito ang mga bagay kung saan dumodoble ang gastos mo. Halimbawa, nauhaw ka habang nag co-commute papunta sa trabaho, at napabili ka ng bottled water sa tindero sa kalsada. Ang gastusin na ito ay pwede sanang maiwasan sa pagbabaon ng sariling tubig mula sa bahay.
Kung iisipin mo, bente pesos lang naman ang gagastusin ko, mura lang. Pero kung susumahin mo ito sa isang buwan–malaking bagay na rin ito, at pwede mong ilaan sa mas importanteng gastusin.
3. Set your financial goals!
Mas madaling i-challenge ang sarili kung malinaw sa iyo kung ano ang iyong gustong makamit. Set financial goals na nakaka-excite para sa iyo, ka-Tala! Sa ganitong paraan, mas enjoy mo rin na tuparin ang mga goals na ito.
Halimbawa nalang, gusto kong makaipon para makapag bakasyon. Kumakayod ka man, alam mo kung para saan at ano ang patutunguhan ng perang kikitain mo.
Alam naming hindi basta-basta ang pagkamit ng financial freedom. Kaya naman sa panahon ng hindi inaasahang emergency, makakaasang pwedeng lapitan ang Tala para sa fast online loan na kailangan mo.