Back to main page

Ano ang Financial Love Language Mo?

Ka-Tala, pagdating sa love, lahat ay pantay-pantay. Mayaman man o mahirap, lahat ay nararanasan ang saya at lungkot na dala ng pag-ibig! Kaya naman ngayong buwan ng mga puso, paano mo ba ipinaparamdam sa mga tao ang iyong pagmamahal?

Ang mga pamamaraan na ito ay ang tinatawag natin Love Languages.

Ayon sa Psychology, merong limang love languages o pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Paano mo nga ba naipapamalas ito pagdating sa ating financial journey?

1. Receiving Gifts

“May P200 off ka from Tala dahil ginamit ko nga pala yung referral code mo. Simpleng gift lang ngayong Valentine’s.”

Sa love language na ito, mas ramdam nila ang love kapag nakakatanggap ng regalo–maliit man o malaki. Sa panahon ngayon, high-tech na din ang mga regalo kaya ito yung mga taong nakaka-appreciate kapag nakakatanggap sila ng mga online vouchers o gift certificates kung saan makakatipid sila.


I-refer na ang mga loved ones mo sa Tala by sharing your Tala referral code. Pwede kang magkaroon ng ₱200 off your Tala loan kapag nakapag bayad na ang iyong ni-refer.

I-refer na ang mga loved ones mo sa Tala by sharing your Tala referral code.

2. Acts of Service

“Ako na ang pupunta sa Palawan Express para magbayad ng Tala loan mo nang hindi ka na mainitan.”


Ika nga nila, actions speak louder than words. Para sa kanila, hindi man nila madalas masabi ang I love you, ipinararamdam naman nila ito sa mga munting acts of service. Kaya naman pagdating sa pera, ang love language na ito ay naipapakita sa araw-araw na pagkayod ng ating mga breadwinners para mapunan ang pangangailangan ng pamilya.

3. Words of Affirmation

“The best ka talaga, kuya! Para kang Tala, lagi kang andyan para sa’kin.”


Ito ang love language na galanteng magbigay-puri. Mahilig silang mag-express ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng kanilang salita. Ito yung mga tipong kahit busy sa trabaho, hindi nakakalimot mag text o tumawag para magsabi ng I love you o kumustahin ka.

4. Quality Time

“Bes, balita ko need mo ng extra budget… Tara, turuan kita paano mag-apply sa Tala.”

Mahalaga sa love language na ito ang oras na ginugugol para mag bonding. Kadalasan ay maglalaan talaga ng ipon para maka-bonding ang pamilya o mahal sa buhay. Bukod sa pera, hilig niyang ipunin ang memories.

5. Physical Touch

“Holding hands while walking tayo habang papunta sa MLhuillier para i-claim ang Tala loan mo!”

Mas ramdam nila ang love kapag nilalambing mo sila. Yakap, halik, at holding hands ang ilan lamang sa kanilang paboritong expression of love. Kaya naman kadalasan ay magaling din silang humawak ng pera.


Share this article now: