Hindi pa rin approved ang loan mo? ‘Wag mawalan ng pag-asa!
Lahat tayo ay may second chance, at kung nag-apply ka na sa Tala pero hindi agad natanggap, ito ang mga simpleng tips para mas mapalapit sa approval ang iyong reapplication.
1. Huwag Agad Burahin ang App!
Para sa real-time reapplication updates, panatilihin ang Tala app sa iyong phone. Malaking tulong ang mga reminders at notifications mula sa app para malaman ang status at tips sa proseso ng reapplication.
2. Maghintay ng 30 Days Bago Mag-reapply
Pagkatapos ng unang application, maglaan ng 30 araw bago mag-reapply. Sa panahong ito, pwede mong i-improve ang mga detalye sa profile mo para mas maging malakas ang application mo sa susunod. Kaunting patience at effort lang para mas mataas ang chances mo sa approval!
Mahalagang Paalala: Ligtas ang Iyong Personal Information
Sa Tala, mahalaga ang privacy ng bawat indibidwal. Tinitiyak namin na ang iyong personal na impormasyon ay protektado at gagamitin lang para sa iyong application. Para sa bawat reapplication, naka-focus kami sa seguridad ng iyong data.
Tiwala lang, ka-Tala!
Sa Tala, may pagkakataon para makapag-apply ulit at maabot ang iyong financial goals. Sundan lang ang mga tips na ito, at makakaasa ka na mas maayos ang susunod mong application. Tiwala lang, ka-Tala!