Sa ganitong bagyo season, mahalagang laging handa upang maprotektahan ang pamilya at bahay. May mga ligtas at handa tips kami na pwedeng makatulong:
1. Maghanda ng “Go Bag”
Maglaan ng waterproof na Go Bag na may laman para sa 72 oras: pagkain, tubig, gamot, mga mahahalagang dokumento, at cash. Siguraduhing fully-charged ang mga gadgets at may power bank, at kung maaari, mag-invest sa battery-operated radio para sa updates.
2. I-check ang Bahay para sa Repairs
Bago pa man ang bagyo season, ayusin ang bubong, bintana, at linisin ang mga kanal para maiwasan ang pagbaha. Ang simpleng paghahanda ay pwedeng makatulong upang mabawasan ang pinsalang dulot ng malalakas na hangin at ulan.
3. Maging Updated
Alamin ang latest updates ng panahon at mga emergency announcements. Mag-print ng listahan ng mga lugar na pwedeng likasan at mga contact numbers para sa medical assistance, lalo na kung mawawalan ng kuryente.
4. Magtabi ng Emergency Fund
Ang emergency fund ay makakatulong sa mga hindi inaasahang gastos gaya ng pagkukumpuni ng bahay o pagsasaayos ng mga kagamitan. Magtabi ng kahit kaunti buwan-buwan hanggang makaipon ng pondo na maaaring tumagal ng tatlong buwan.
Kapag kulang pa rin ang pondo, maaaring subukan ang mga mabilis na loan services tulad ng Tala para sa dagdag na ayuda sa ganitong sitwasyon. Sa Tala, maaaring makautang ng hanggang Php 25,000 at mamili ng flexible payment terms na abot sa 61 days.
Sa pagiging handa, mas magiging ligtas tayo sa panahon ng bagyo!