Ka-Tala, ramdam na ramdam na ang init! Marami sa atin ang ginagastos ang natitipid sa bakasyon at mga gala, pero alam mo bang pwede mo pa ring sulitin ang summer kahit naka-budget? Mapa-bahay man o nasa labas, narito ang apat na simpleng paraan para gawing mas tipid at mas masaya ang tag-init.
1. I-check ang appliances at electronics sa bahay
Unahin na agad ito sa iyong summer checklist, ka-Tala. Siguraduhing maayos ang lagay ng mga gamit tulad ng aircon, electric fan, at refrigerator. Kapag may sira, ipaayos o palitan ng energy-efficient na modelo kung kaya. Bukod sa tipid sa kuryente, makakaiwas ka rin sa mga aksidente gaya ng sunog dulot ng sirang appliances.
2. Sulitin ang ganda ng panahon sa mga simpleng outdoor na activities
Ka-Tala, hindi mo kailangang gumastos ng malaki para makapag-relax. Maghanap ng mga libreng pasyalan tulad ng park, open spaces, o community spots kung saan pwede kang mag-picnic, maglakad-lakad, o mag-enjoy kasama ang pamilya o barkada. Tandaan lang na magdala ng tubig at magprotekta sa araw.
3. Abangan ang mga summer sale
Panahon na ng sale sa malls at online stores—kaya bantayan ang mga discounts! Pero bago bumili, siguraduhing sulit at kailangan talaga ito. Mainam din ito para sa mga magulang na gustong maghanda nang maaga para sa pasukan, gaya ng pagbili ng school supplies, bagong sapatos, o uniporme habang nakasale pa.
4. Subukan ang mga negosyo sa tag-init
Mas maraming tao ang nasa labas kapag tag-init, kaya magandang pagkakataon ito para kumita. Puwede kang magbenta ng palamig, ice candy, accessories, o pagkain. Kung may talent ka sa pagtuturo, musika, sayaw, o sports, pwede kang mag-offer ng summer classes. Side hustle na, dagdag kita pa.
Tipid ngayon, tagumpay bukas
Hindi kailanman masyadong maaga para magsimulang mag-ipon. Sa tulong ng Tala, may kasama kang maaasahan sa bawat hakbang ng iyong financial journey. Mabilis, flexible, at abot-kayang online loan—para sa pang-araw-araw mong pangangailangan at sa pangarap mong kinabukasan.
Katulad ni Jean, isang masipag na nanay na gumamit ng Tala para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
“Dahil sa Tala, nakatulong ako sa pamilya ko kahit mahirap ang sitwasyon. Lumaki pa ‘yung credit limit ko over time, kaya pati groceries, napagkakasya ko. Parang best friend ko na siya—nandiyan lagi pag kailangan ko.”
Anuman ang panahon, tutulungan ka ng Tala na umasenso at abutin ang iyong pangarap.
I-download ang Tala app ngayon at simulan ang iyong tagumpay.