Ka-Tala, kahit anong estado mo sa buhay, pwede mong protektahan at palaguin ang pera mo laban sa inflation. Gamitin ang wais na strategies, i-diversify ang investments, at i-maximize ang savings para mas lumakas ang iyong financial future.
Maraming mayayaman ang may secret strategies sa inflation. Anuman ang kasalukuyang estado mo sa buhay, pwede mo ‘tong sundan at makakatulong ito sa pagpapalago ng iyong finances.
Ano ang Inflation?
Inflation ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang bansa. Kapag may inflation, ang pera mo ay bumababa ang halaga sa paglipas ng panahon, ibig sabihin, yung pera na ₱100 ngayon, bukas o sa susunod na taon, makakabili ng mas kaunting bagay kung hindi mo ito ginagamit sa wais na pamamaraan.
Balik tayo sa inflation tricks!
Strategy #1: Subscription Audit
Maraming pera ang nasasayang sa hindi nagagamit na subscriptions, nandyan ang Netflix, Spotify, gym, o apps na hindi na ginagamit.
Sa regular na subscription audit bawat tatlong buwan, pwede agad makatipid ng ₱2,000+ per month! Yung na-save, pwedeng ilagay sa high-yield savings para mas lumaki ang pera sa panahon ng inflation.
Strategy #2: Advance Purchases During Sales
Ang mayayaman, bumibili ng essentials sa bulk kapag may sale na pang 6-month supply nila.
Sa ganitong paraan, nakakatipid ng 30–40% kumpara sa pagbili buwan-buwan. Pwede mo rin gawin ang strategic bulk buying para makatipid nang malaki.
Strategy #3: Fixed-Rate Debt Timing
Maraming mayayaman ang naglo-lock ng fixed-rate loans bago tumaas ang interest. Ginagawa nila ito para sa income-generating assets tulad ng home loans, business capital, o education loans.
Pwede mo ring gawin ito at planuhin kung kailan mag-loan at ikumpara ang rates para maprotektahan ang pera mula sa inflation.
Strategy #4: Skills Monetization
Sa panahon ng inflation, mayayaman ang nag-iinvest sa recession-proof skills tulad ng digital marketing, programming, at financial planning habang karamihan ay nagtitipid lang.
Kaya mag-invest ka rin sa sarili mo. Ang skills na hindi ma-devalue ng inflation ay ang kasangga mo sa laban ng buhay at pwedeng pagkakitaan anytime.
Think rich, act smart
Hindi kailangan maging mayaman para mag-isip like rich people. Pumili lang ng isang strategy, at simulang gawin ito ngayon!
Ready ka na bang gawing kasangga ang pera mo para maprotektahan ito sa inflation?
Ka-Tala, simulan mo na ang pag-manage ng finances mo gamit ang tools na swak sa lifestyle mo. I-download ang Tala app ngayon para makapag-save, makapag-invest, at kontrolado mo ang pera mo, para sa mas smart at secure na financial future!