Back to main page

ALAMIN: Protektahan ang Sarili Laban sa Fake Loan Assist Scams

Quick Take:

Ka-Tala, libre at simple lang ang loan application sa Tala app. Wala ng “assist fee” ang Tala. Kung may nag-aalok ng tulong kapalit ng bayad, siguradong scam ‘yan. Protect yourself, protect your loan.

Ano ang “Assist Scam”?

May mga first-time borrowers na naloloko ng mga pekeng “assist services” online.

May mga taong nagpapanggap na facilitators o “loan helpers.” Sinasabi nilang tutulungan ka nilang ma-approve sa Tala loan kapalit ng bayad na tinatawag nilang “assist fee.” 

Sa unang tingin, parang legit. Pero sa totoo, scam ito.

Ano ang Dapat Mong Gawin Para Maiwasan ang Assist Scam?

1. Trust only the Tala app

Lahat ng application, updates, at announcements ay makikita lang sa official Tala app at official social media pages.

Tip: Kung wala sa Tala app o official Facebook page, hindi ito legit.

2. Never pay an “assist fee”

Ang Tala loan application ay 100% libre. Walang bayad sa pag-a-apply.

Tip: Kapag may naniningil ng fee, automatic na scam ‘yan.

3. Protect your personal info

Huwag basta-basta magbigay ng ID, screenshots ng account, o iba pang sensitive details.

Tip: Ang hindi pagbahagi ng iyong personal info—tulad ng mobile number, date of birth, OTP, o screenshots ng Tala account—ay pinakamabisang paraan para maproteksyunan ang sarili laban sa scammers.

4. Report suspicious activity

Kung may nag-aalok ng “assist” o naniningil ng fee, i-report agad sa Tala. Mas maaga itong ma-aksyunan, mas ligtas ka.

Tip: I-report ang mga kahina-hinalang mensahe sa gotala.co/help.

Bakit Libre ang Loan Application sa Tala

Sa Tala, simple at diretso lang ang proseso. Walang assist fee. Ikaw mismo ang nag-a-apply sa app, at ikaw din ang makakatanggap ng loan sa napili mong cash-out channel.

Ang tanging kailangan:

✔️ Mag-download ng Tala app

✔️ Mag-apply lang sa Tala app

✔️ Mag-submit ng tamang info

✔️ Sundin ang selfie tips para ma-verify agad

Ka-Tala, ang tunay na kasangga mo sa pag-asenso ay ang responsableng pag-utang at tamang pagbabayad. Ang mga assist scams ay hindi makakatulong—sila ang magdadala ng abala at stress.

Sundin ang simpleng golden rule: Kung may naniningil para mag-apply ng Tala loan, scam ‘yan.

Stay smart. Stay safe. Say no to assist scam.

I-share ang tips na ito para makaiwas din ang iba. 

Share this article now: