COVID-19 Rebuild Fund

Tala established the COVID-19 Rebuild Fund to help Filipinos cope with and recover from the Coronavirus  pandemic.

Community Support 

Dahil sa hirap ng sitwasyon dala ng COVID-19, sadyang nakaranas ng panganib ang iba’t ibang Filipino communities at small businesses.

Kaya naman inilunsad namin ang Tala Rebuild Fund para masuportahan ang mga negosyong Pinoy na nagbibigay ng essential goods at services sa kanilang komunidad.

Ang mga Tala customer na may negosyo na nagbibigay suporta sa komunidad ay pwedeng mag-apply sa aming Community Support Loan na may specialized terms.

Applications temporarily closed for review.

*Ongoing ang pag-review ng applications at maaaring umabot ng hanggang two weeks ang desisyon dahil sa specialized nature ng mga loans na ito. Third party cash in and cash out fees may apply. Current Tala customers na walang outstanding balance lamang ang eligible mag-apply.

What is COVID-19? 

Ang Coronavirus disease, o mas kinikilalang “COVID-19” ay isang infectious disease na maaaring magdala ng respiratory illness sa katawan. Ubo, lagnat, at hirap sa paghinga ay iilan lamang sa sintomas nito.

Maaaring makuha ng isang tao ang COVID-19 ‘pag siya’y lumapit sa infected person na umubo, bumahing, o mahawakan lamang ang surfaces na may virus droplets. Ang isang tao na may COVID-19 ay maaaring maging contagious o nakakahawa sa loob ng 14 days.

Source: World Health  Organization

Maaapektuhan ba ang aking Tala loan?

Dahil sa COVID-19 crisis, ang pag-evaluate ng loan applications ay magiging mas matagal sa nakasanayan at maaaring umabot ng 10 days.

Para sa customers na may outstanding loans, maaaring makipag-ugnayan sa aming customer support team sa support@tala.ph o sa Tala app kung kailangan ng tulong sa pag-manage ng ‘yong loan.

Mag-ingat po tayong lahat, mga ka-Tala. Salamat sa pag-unawa.

Staying Safe

To prevent the spread of the virus, follow these top tips: 

GAWING HABIT O UGALIIN ANG MAG-SANITIZE 

Ayon sa World Health Organization, maaaring ma-contact ang virus sa pamamagitan ng ating mga kamay. Dahil ang COVID-19 ay diumano nanggagaling sa droplets ng ubo at sipon na kumakalat sa mga bagay na madalas nating hinahawakan, ipinapayo ng health officials na laging maghugas o gumamit ng rubbing alcohol sa kamay.

KUNG NAUUBO O NABABAHING, MAGTAKIP NG BIBIG AT ILONG

Kasama sa mga sintomas ng COVID-19 virus ay ang pagkakaroon ng ubo’t sipon. Dahil dito, payo ng health officials ay ang magkaroon ng cough etiquette. Ibig sabihin nito ay ang pagtatakip ng bibig at ilong t’wing nauubo o nababahing sa pampublikong lugar.

UMIWAS SA LUGAR NA MAY MARAMING TAO 

Umiwas sa mga lugar na madalas dinadagsa ng tao. Kung may isa sa kanila ang infected, malaki ang posibilidad na magkaroon ng rapid spread. Kung may pagkakataon magtrabaho lamang sa bahay, maaaring gawin ito.

AVOID HUMAN TOUCH 

Sa ngayon, hindi pa gaanong kaklaro ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-contact ng COVID-19 virus. Ngunit sa loob ng ilang buwan, at ayon sa current infection cases worldwide, maaaring human touch o ang paghahawak sa kapwa tao ang isa sa mga sanhi nito.

Maaring umiwas muna dito. Mag-praktis ng ibang pamamaraan ng pagbati sa mga pamilya, kaibigan, at ibang mahal sa mga buhay. Kasama na rito ang verbal greeting o simpleng pagkaway.

‘WAG MAG PANIC BUYING O HOARDING

Sa bawat oras na ginamit sa pag-hoard ng rubbing alcohol, surgical masks, at iba pang gamit panlaban sa sakit – tinatanggalan natin ang ibang kapwa Pilipino ang pagkakataong maprotektahan ang sarili. In return, lumalaki ang chance of spread ng virus na ito. 

KUNG MAY NARARAMDAMAN NA SINTOMAS, MAAARING TUMAWAG SA OSPITAL 

Higit sa lahat, dapat nating pakinggan ang ating mga katawan. Kung may nararamdaman na sintomas na pwedeng iugnay sa COVID-19, mabuti nang magpa-test sa ospital para masigurado ang kalagayan. Isa rin ‘tong preventive measure na makakatulong sa pag-contain ng virus.

Click here for more guidance on COVID-19 safety. 

You can also find information from Philippines Department of Health and World Health  Organization.

Source: Philippines’ Department of Health

Resources

Small business resources:

Financial assistance: 

Childcare & education: 

Health & wellness:

How to get involved:

Financial tips ngayong COVID-19 period

Narito ang ilang tips para matulungan ka sa pag-manage ng finances at manatiling ligtas sa oras ng COVID-19 pandemic: 

I-adjust ang ‘yong budget: magbawas ng non-essential spending

Ipinapayo namin sa lahat na mag-reassess ng ‘yong current expenses. Mag-identify ng expenses na kailangan i-prioritize at mag-identify ng expenses na pwedeng bawasan. Tanungin ang sarili, ano ang kailangan para mag-survive? Sa oras ng panganib, mas magandang bigyang importansya ang essential needs at magtabi ng pera para sa emergencies. 

Magtipid pagdating sa fixed expenses.

Maaaring bawasan ang ‘yong expenses ng malaking porsyento kung tututukan ang paggamit ng utilities tulad ng tubig, kuryente, at gasul.

Para makatipid sa water bill, isara ang gripo tuwing ‘di ginagamit. Patayin ang ilaw at ibang appliances ‘pag ‘di ginagamit para makatipid sa kuryente, at gumamit lamang ng gas stove sa kailangan na oras lamang para pababain ang gastos sa gasul o LPG.

‘Di lang ‘to ekonomikal para sa ‘yong wallet, kung ‘di na rin para sa kapaligiran!

Kung namamahalan sa presyo ng rubbing alcohol at hand sanitizers, gumamit lamang ng anti-bacterial soap. 

Ayon sa American CDC, sabon at tubig ang ating depensa laban sa pagkalat ng iba’t ibang virus. Gumamit lamang ng hand sanitizers na mayroong 60% alcohol kung ‘di available sa ‘yo ang tubig at sabon.

Tandaan, 20 seconds ang wastong tagal sa paghugas ng kamay! 

Live updates from the Department of Health

https://platform.twitter.com/widgets.js