Back to main page

How Much Should You Save for an Emergency Fund? A Filipino’s Guide to Financial Safety

emergency-fund

May mga pagkakataon sa buhay na bigla tayong tatamaan ng sakit, aksidente, o kalamidad na magdudulot ng stress sa ating finances. Kahit gaano pa kahusay ang ating budget, hindi maiiwasan ang mga hindi inaasahang gastos. Kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng emergency fund. Pero, ka-Tala, paano nga ba tayo makakapag-ipon ng sapat na halaga para dito?

What is an Emergency Fund?

Ang emergency fund ay pondo na nakalaan lang para sa mga hindi inaasahang gastusin, tulad ng pagkaospital, pagkawala ng trabaho, o pagkasira ng bahay dahil sa kalamidad. Hindi ito para sa mga bakasyon, bagong gadget, o fashion items. Pero ano ang pinagkakaiba ng emergency fund sa general savings?

Ang general savings ay pondo para sa anumang financial goal—pwedeng para sa bagong gadgets, bahay, o pang-emergency. Samantalang ang emergency fund ay may mas tiyak na layunin at hindi dapat galawin maliban kung talagang kailangan.

Ang general savings ay isang maluwag na pondo na pwedeng gamitin para sa kahit anong financial goal (pang bagong gadgets, bahay, o pang-emergency). Ang emergency fund naman ay may mas malinaw na goal at hindi dapat galawin maliban na lang kung talagang kailangan.

Why Emergency Funds Are Crucial in the Philippines

Ka-Tala, napaka importante ng emergency fund sa Pilipinas dahil magbibigay ito ng seguridad at peace of mind, lalo na sa oras ng pangangailangan, at tutulong sa pagpaplano mo sa iyong personal finance

  • High frequency of natural disasters (e.g., typhoons, earthquakes)
    • Talamak ang mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad sa Pilipinas. Kapag dumaan ang mga ito, kadalasang ang una mong kailangang ayusin ay ang mga gastusin tulad ng pagpapagawa ng bahay, pagpapagamot, at iba pa.
  • Job instability and economic uncertainties
    • Madalas magbago ang kalagayan sa trabaho. Minsan, mawalan tayo ng kita at mahirapan maghanap ng bagong trabaho.
  • Rising medical costs
    • Habang tumatanda tayo, mas mataas ang gastos sa gamot at ospital. Mahalaga na may nakalaan tayong pondo para dito.

Determining Your Emergency Fund Goal

Ngayon, ka-Tala, alam na natin kung ano ang emergency fund. Pero paano naman natin ise-set ang goal pang emergency fund?

Ang ideal na emergency fund ay katumbas ng tatlo hanggang anim na buwan ng iyong pangunahing gastusin. Ibig sabihin, kung ang mga regular mong gastusin ay ₱10,000 kada buwan, ang goal mo ay mag-ipon ng ₱30,000 hanggang ₱60,000. Pero kailangan mo rin itong i-adjust base sa iyong personal na kalagayan. Kung ikaw ay may pamilya at may mga anak, maaaring kailanganin mo ng mas malaking pondo. Kung stable naman ang iyong income at wala kang anak, baka mas mababa na ang iyong kailangan.

Breaking Down Essential Expenses:

  • Pagkain at mga grocery: Pwedeng i-budget ito at bawasan ang hindi kailangang paggastos.
  • Pabahay (Rent o Mortgage): Isa ito sa pinakamalaking gastusin.
  • Utilities: Kuryente, tubig, internet, at iba pa.
  • Transportasyon at pang-medikal na pangangailangan: Kung may sasakyan ka o may mga maintenance meds, kailangan isama sa iyong gastos.

How to Assess Your Current Financial Situation

Ka-Tala, kailangan mo namang tingnan iyong kasalukuyang financial situation para mas maiplano ng maayos ang iyong pagsisimula sa pag-ipon ng iyong emergency fund. Narito ang ilang mga hakbang na dapat mong tandaan:

  • Calculating Current Income and Expenses
    • Para ma-compute ang iyong kasalukuyang kita at gastusin, gumamit ng mga tool gaya ng spreadsheets o apps para subaybayan ang iyong mga gastusin at kita.
  • Identifying Potential Savings
    • Para naman malaman mo ang iyong mga potential savings, humanap ang mga lugar kung saan ka pwedeng magtipid. Ano ang mga unnecessary expenses mo na pwede mong bawasan? Maliban dyan, mag-prioritize ka rin ng needs over wants dahil mas importante ang ipon para sa emergencies kaysa sa mga luho.

How to Build Your Emergency Fund

Ready ka na ba para makabuo ng iyong emergency fund ngayon, ka-Tala? Narito ang limang steps para makapagsimula:

Step 1: Set a Savings Goal and Timeline

Halimbawa, kung kailangan mong mag-ipon ng ₱50,000 at gusto mong tapusin ito sa isang taon, magsimula kang mag-save ng ₱4,167 bawat buwan.

Step 2: Start Small and Stay Consistent

Hindi kailangang malaki agad ang isavings mo. Pwede kang magsimula sa ₱50-₱100 sa araw araw. Ang mahalaga ay consistent ka sa pag-iipon. Para masigurong maging consistent ka, i-automate ang iyong savings para makapaglaan na ng emergency fund sa iyong bank account. 

Step 3: Open a Dedicated Savings Account

Mag-open ka ng hiwalay na savings account. Magandang option sa Pilipinas ang mga high-interest savings accounts tulad ng CIMB o ING, na hindi lang ligtas, kundi kumikita pa ng interes ang iyong ipon.

Step 4: Use Ipon Challenges

Subukan ang mga savings challenges tulad ng 52-week challenge o ang Piso Challenge, kung saan maglalagay ka ng isang piso kada araw at unti-unti itong tataas.

Step 5: Track Your Progress

Mahalaga na i-monitor mo ang iyong progress. Kung kinakailangan, baguhin ang iyong plano o dagdagan ang iyong ipon.

Strategies to Build Your Emergency Fund Faster

Ito naman ang mga estratehiya na dapat mong malaman para makabuo ka ng emergency fund na mas mabilis, ka-Tala:

Reducing Expenses to Save More by:

  • Cutting non-essential spending tulad ng paglimita sa pagkain sa labas, online shopping, at subscription services.
  • Adopting frugal practices tulad ng paggamit ng pampublikong sasakyan, bumili ng groceries sa mga sale, at magplano ng iyong mga bilihin.
  • Avoiding lifestyle inflation lalo na kung tumaas ang iyong kita, huwag agad mag-upgrade ng lifestyle. Gamitin ang extra money para sa ipon.

Finding Additional Sources of Income:

  • Start a side hustle na pwede mong simulan kaagad tulad ng pagbebenta online, pagfe-freelance, o pagde-deliver ng mga orders sa food delivery services. Pwede rin magkaroon ng garage sale o magbenta ng gamit online gamit ang mga apps tulad ng Carousell.
  • Leverage passive income opportunities na pwede mong subukan tulad ng Pag-IBIG MP2 o government bonds na may maliit na kapital.

Safeguarding Your Emergency Fund:

  • Keep It Separate from Regular Savings: Ihiwalay ito sa iyong regular na savings at gumamit ng dedicated account na hindi mo napaghahalo sa pera na panggastos mo.
  • Avoid Withdrawing for Non-Emergencies: Huwag kunin o gamitin ito para sa mga non-emergencies. Hindi ito para sa fiesta o bakasyon.
  • Choose Accessible Yet Secure Accounts: Pumili ng secure yet accessible accounts: Huwag mag-invest sa mga long-term accounts na mahirap pagkunan kapag kailangan mo na.

Cultural and Practical Considerations in the Philippines

Bilang mga Pilipino, malaki ang pagpapahalaga natin sa pamilya. Hindi maiiwasang may mga pagkakataon na kailangan nating magbigay ng financial support sa mga kamag-anak. Hindi masama ito, pero mahalaga rin na matutunan nating magtakda ng limitasyon sa mga ganitong bagay para hindi maapektohan ang ating personal finances. Kaya, ka-Tala, tandaan ang dalawang bagay na ito:

  • Managing Family Obligations
    • Madalas ang mga obligasyon sa pamilya. Siguraduhin na ang emergency fund mo ay para lamang sa mga tunay na emergency at hindi para sa obligasyon sa pamilya at palaging balansehin ang dalawa dahil magkaiba ito.
  • Avoiding Common Pitfalls
    • Iwasang gamitin ang emergency fund para sa mga hindi tunay na emergency, tulad ng fiestas o mga travel.

Building and Maintaining the Fund

Ka-Tala, kapag naabot mo na ang iyong goal, huwag kalimutan ang mga bagay na ito: 

  • What to Do After Reaching Your Goal
    • Kailangan mong magdagdag at mag-replenish ng iyong fund kapag kinailangan mo itong gamitin. Kailangan mo ring dagdagan pa ang iyong emergency fund goal kahit paunti-unti habang lumalaki ang kita at gastos mo.
  • Reviewing Your Fund Regularly
    • Nakapa importanteng regular na i-review ito at i-adjust base sa iyong lifestyle at inflation para hindi ka mabigla at ma-maintain mo ang iyong emergency fund. 

Share this article now: