Quick Take:
✅ Good debt = utang na nakakatulong sa kinabukasan mo (education, business, home)
❌ Bad debt = utang na pabigat at walang balik (gambles, luho, impulse buying).
💡Tala Tip: Bago umutang, tanungin: “Makakatulong ba ‘to sa pag-asenso ko, o dagdag-stress sa buhay ko?”
Hindi lahat ng utang ay masama, ka-Tala. May tinatawag tayong good debt at bad debt. Ang sikreto ay malaman kung alin ang makakatulong sa’yo at alin ang magpapaikot lang sa’yo sa utang. Sa Tala, gusto naming tulungan ka maging smart sa utang para mas umangat ang kinabukasan mo.
Good Debt — Utang na nakakatulong sa pag-asenso
Ito yung mga utang na may long-term benefits at nakakapagbigay ng value sa buhay mo. Basahin ang mga examples:
✅ Loan para sa edukasyon o skills training
Nagi-invest ka sa sarili mo para sa mas magandang kita sa future.
✅ Business loan para lumaki ang kita
May chance na tumaas ang income mo at mabayaran ang utang gamit ang kita. Kaya sa Tala, sinisigurado naming flexible at kaya mong i-manage ang loans mo habang lumalakas ang negosyo mo.
✅ Home Loan o renovation sa pagpapataas ng value ng bahay mo
Asset ito na pwedeng mag-appreciate over time. Naniniwala kami na ang investments sa bahay mo ay investment rin sa security ng pamilya mo.
💡Tala Tip: Siguraduhin lang na kaya mong bayaran ang utang sa oras at hindi lalampas sa budget mo buwan-buwan. Tandaan, ka-Tala, utang ay para makatulong, hindi para magpabigat.
Bad Debt — Utang na pabigat at walang balik
Ito yung mga utang na walang long-term benefit at kadalasan nagdadala ng dagdag problema. Alamin ang mga halimbawa at ang dahilan kung bakit ito ay bad debt.
❌ Pagsusugal (casino, online gambling, sugal sa kanto)
Hindi sigurado ang balik, at madalas mas malaki pa ang lugi kaysa sa panalo. Sa Tala, panalo ka dahil naniniwala kami sa diskarte at planadong daan patungong financial freedom.
❌ Impulse buying gamit ang credit card
Kung hindi kailangan at mataas ang interest, masisira lang ang budget mo. Sa Tala, tinutulungan ka naming planuhin ang gastos para hindi ka maipit sa utang.
❌ Loan para sa luho (gamit pang-status lang sa social media)
Walang dagdag kita, pero may dagdag bayarin buwan-buwan. Sa Tala, gusto naming mas maging smart ka sa bawat peso na gagastusin mo.
💡Tala Tip: Bago umutang, tanungin: “Makakatulong ba ‘to sa pag-asenso ko, o dagdag-stress sa buhay ko?”
Ka-Tala, ang utang ay isang tool. Kung gagamitin mo ito para umangat ang kinabukasan mo, magiging good debt ito. Pero kung para lang sa pansamantalang saya o luho, magiging bad debt ito na magpapaikot sa’yo sa cycle ng bayarin.
Huwag umasa sa swerte—mas mabuting umasa sa diskarte at sa tamang plano.
Ready to take control of your finances, ka-Tala?
Download the Tala app today and start managing your loans smarter, grow your money, and make every peso work for you!
Para sa mga katanungan tungkol sa mga lehitimong digital lending platforms, bisitahin ang gotala.co/help o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng official Tala app.
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132, and a registered operator of payment system, with OPS Registration No. OPSCOR-2023-0010. For any questions or concerns, contact us at gotala.co/help or interact through the official Tala app. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any transaction. Tala is regulated by the Securities and Exchange Commission, with email address at flcd_queries@sec.gov.ph.