Dumarami na ang pabor na mga Pilipino sa digital financial apps dahil sa pagiging convenient nito, pero dumarami rin ang mga scammers na naglalayong samantalahin ito. Kaya’t para makaiwas sa mga ganitong disgrasya, mahalagang malaman kung ano ang mga katangian na nagpapakita ng isang legit at maaasahang financial app at siguruhing hanapin ang mga sumusunod na green flags:
1. Malinis na Track Record
Ka-Tala, bago magdesisyon, mag background check muna. Alamin kung registered ang app at kung sumusunod sa mga lokal na batas. Pero isang paalala, mag-ingat din sa mga review—baka may mga pekeng feedback, kaya’t laging mag-rely sa mga verified at legit sources!
2. Alinsunod sa mga Regulatory Bodies
Siguraduhing ang financial app na pipiliin mo ay registered sa mga kilalang regulatory bodies tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Kung nasiguro mo na registered nga ito sa SEC at BSP, may kasiguruhan kang sumusunod sila sa tamang legal at security standards!
3. Malinaw ang Terms at Conditions
Dapat malinaw sa iyo ang lahat ng detalye—mula sa interest rates, terms of payment, hanggang sa mga polisiya ng platform. Ang mga impormasyon ay dapat madaling ma-access at malinaw sa kanilang website o app. Pero kung hindi malinaw o tinatago, maghanap ka na ng iba dahil delikado.

4. Respect-based ang Batayan
Ang isang maaasahang financial app ay hindi magsisiwalat ng iyong personal information sa iba o magpapadala ng mga hindi hinihinging offers. Hindi rin ito dapat nananakot o mang harass kapag naniningil sa pagbabayad.
5. Customer-Centric Approach
Ang financial partner mo ay dapat kasangga mo. Mga platform tulad ng Tala, na regulated ng SEC at BSP, ay laging inuuna ang ethics at seguridad ng bawat transaksyon. Sa Tala, maaari mong i-manage ang iyong finances nang may tiwala dahil ang transparency, customer care, at patas na pagtrato ay laging nasa unahan ng aming serbisyo sa ‘yo, ka-Tala.
Kapag tinutukan mo ang mga green flags na ito, mas handa ka na sa pagpili ng isang financial partner na makakapagbigay ng maaasahang serbisyo at proteksyon sa iyong pera sa pangmatagalan.