Back to main page

Holiday budgeting 101: Paano mag-enjoy sa Pasko nang hindi nauubos ang ipon

Mga ka-Tala, ilang oras na lang Pasko na! Hanggang sa pagbubukas ng taon, mas mahaba ang mall hours, kaliwa’t kanan ang “SALE hanggang 50% OFF,” at parang lahat may listahan na ng bibilhin. Aminin man natin o hindi, nagiging season din ito ng gastos.

At minsan, dahil sa pressure na makapagbigay at makasabay sa holiday hype, napapasobra ang gastos. Resulta? Pasok ng bagong taon, may dala-dalang financial stress.

Pero good news: hindi mo kailangang ipagkait ang saya ng Pasko para maging wais sa pera. Ang goal ay hindi ang hindi gumastos, kundi ang gumastos nang may plano. Narito ang ilang practical na paraan para ma-enjoy ang holidays habang inaalagaan ang wallet mo.

1. Gumawa ng malinaw na holiday budget

Sanay na tayong mag-budget para sa gifts at noche buena, pero kadalasan nakakalimutan ang ibang gastos. Dekorasyon, pamasahe, salu-salo, exchange gifts, at kahit biglaang lakad.

Kapag may malinaw kang limit para sa bawat category, mas nagiging realistic ang expectations mo. Mas iwas din sa impulsive buying na pwedeng makasira sa ipon mo. Simple lang: alam mo kung hanggang saan ka lang dapat gumastos, at doon ka titigil.

2. I-check ang presyo at bantayan ang kabuuang gastos

Hindi lahat ng naka-sale ay good deal. Minsan, clearance lang. Minsan, may kaunting depekto. Kaya bago bumili, pause muna.

I-compare ang presyo at quality sa ibang options. Tanungin ang sarili: “Pasok ba ito sa budget ko?” at “May mas okay bang alternative?” Ang simpleng pause na ito ay malaking tulong para makaiwas sa pagsisisi.

3. Subukan ang non-traditional o handmade gifts

Hindi nasusukat ang halaga ng regalo sa presyo. Madalas, mas tumatatak pa nga ang effort at thoughtfulness.

Pwede kang mag-DIY, magbigay ng experience, o kaya simpleng gestures tulad ng “isang lutong ulam of your choice” o “one-day errand assist.” Maaari ka ring suportahan ang maliliit na local businesses. Mas tipid, mas personal, at mas may puso.

4. Mag-set ng smart financial goals

Ang Pasko ay hindi lang panahon ng gastos, kundi panahon din ng pahinga at pagninilay. Magandang pagkakataon ito para pag-isipan ang goals mo sa susunod na taon.

Gusto mo bang mag-ipon para sa emergency fund? Magplano ng bakasyon? Mag-negosyo? O mag-ipon para sa mas malaking pangarap? Kapag malinaw ang goals mo, mas nagiging intentional ang bawat desisyon mo sa pera.

Sa totoo lang, ang saya ng Pasko ay hindi dapat may kasamang guilt o utang. Hindi kailangang ipantay ang pagmamahal sa dami o mahal ng regalo. Kapag inuuna mo ang sustainable money habits, mas napoprotektahan mo hindi lang ang budget mo, kundi pati ang future mo.

Kasangga mo si Tala sa mas wais na financial journey

Bilang financial partner ng mga Pilipino, tinutulungan ng Tala ang customers na mas maayos na mag-manage ng pera at maabot ang kanilang financial goals. Sa pamamagitan lang ng isang valid government ID at Android phone, pwede kang magkaroon ng access sa flexible at hassle-free online credit, walang collateral.

Ikaw ang may kontrol kung magkano ang hihiramin at kung kailan ka magbabayad, mula 15 hanggang 61 days, para mas maitugma sa cash flow mo tulad ng sweldo o 13th month pay.

Bukod dito, sa pamamagitan ng TALAkayan, ang award-winning financial literacy program ng Tala, mas pinapasimple at ginagawang relatable ang usapang pera. Dito natututo ang everyday Filipinos tungkol sa budgeting, saving, at pag-iwas sa scams.

May mga bagong digital episodes din na inilalabas tuwing Sabado, 2pm, sa official pages ng Tala, para mas marami pang Pilipino ang maabot at matulungan.

Ngayong holidays, piliin ang saya na hindi sumasakit sa bulsa. Spend smart, plan ahead, at simulan ang bagong taon na mas magaan ang loob at mas buo ang wallet.

Share this article now: