Back to main page

Stay safe online: Kasangga mo ang Tala sa laban kontra digital fraud

Dumarami ang digital scams ngayon, at kumikilos ang Consumer Lending Association of the Philippines (CLAP) kasama ang mga miyembro nito, kabilang kami sa Tala, para mas maprotektahan ang mga consumers. Nakikipagtulungan din ang Tala sa mga regulators at sumusunod sa mga patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para labanan ang online fraud.

Ginagawa namin ito bilang kasangga mo sa mas ligtas na pag-manage ng iyong pera.

Ayon kay CLAP President at Tala Philippines External Affairs Director na si Arianne Ferrer, maaaring tumaas ang bilang ng scams sa taong 2026, pero handa ang CLAP na matukoy at mapigilan agad ang mga bagong scams.

Bilang kasangga ng aming borrowers, gusto naming laging may alam ka at handa.

Bakit mahalaga ito? Noong 2024, ang Pilipinas ang may pangalawang pinakamataas na suspected digital fraud rate sa buong mundo na 13.4%, higit doble ng global average. Halos lahat ng organisasyon o 95% ang nag-aalala na maaari pa itong lumala ngayong taon. Kaya kailangan mo ng kasangga na maaasahan online.

Para tugunan ito, maglulunsad ang CLAP ng campaign para hikayatin ang mga tao na i-report ang unethical debt collection at predatory lending direkta sa association. Dagdag pa ni Ferrer, “Ang first step namin ay i-operationalize ang anti-financial accounts scam program kasama ang BSP at Securities and Exchange Commission (SEC).”

Sa ilalim ng Anti-Financial Account Scamming Act, required ang financial institutions na magkaroon ng system na makaka-detect at nakakapigil ng suspicious transactions tulad ng multiple o magkahawig na transfers na posibleng gawa ng bots o malware. Bilang bahagi ng CLAP, kami sa Tala ay fully committed na sundin ang mga regulasyon at unahin ang proteksyon ng aming borrowers.

Para sa amin sa Tala, hindi ka lang customer. Kasangga ka. Habang pinalalawak namin ang access sa credit, sinisigurado rin naming ligtas ito. Sa pamamagitan ng pagiging alerto, paggamit ng smart technology, at pakikipagtulungan sa regulators, ginagawa namin ang lahat para maprotektahan ang iyong pera at tiwala.

Dahil para sa amin sa Tala, kasinghalaga ng access sa financial services ang iyong financial security at peace of mind.

Share this article now: