Back to main page

Online recovery scams: Paalala mula sa SEC na dapat mong malaman

Quick Take:

“Hindi lahat ng gustong tumulong, totoo.”

May mga scammer na nagpapanggap na “savior” pero pera mo lang ang habol.

Laging i-verify bago magtiwala. Kapag may kutob kang kakaiba, itigil mo na at i-report agad.

Pwede mong i-check ang mga opisyal na advisory ng Securities and Exchange Commission (SEC) bago makipag transaction sa kahit anong financial offer o online service.

Sa panahon ngayon, mas nagiging wais na rin ang mga scammers. Isa sa mga bagong style nila? Yung tinatawag na “recovery services.”

Sasabihin nila tutulungan kang mabawi ang perang na-scam sa’yo dati. Pero ang totoo, sila rin ay scammer.

Imbes na makuha mo ulit ang pera mo, baka mas lalo ka pang maloko.

Paano umaandar ang scam na ‘to

Kadalasan, lalapit sila sa’yo sa Facebook, Telegram, o email. Magpapakilala bilang “expert” daw na marunong mag-trace o mag-refund ng nawawalang pera.

Pero ayon sa SEC, wala silang legal na karapatang:

  • Burahin ang balance o i-delete ang account
  • Taasan ang credit limit
  • Bawiin ang pera mula sa mga lehitimong financial institution

Mas grabe pa, hihingi sila ng advance payment o personal info tulad ng birthday, OTP, o bank details mo. Red flag agad ‘yan, ka-Tala!

🚩 Mga palatandaan ng scam:

  • Humihingi ng bayad bago “tumulong”
  • May mga linyang nakaka-pressure (“limited slots,” “act now or face legal action”)
  • Masyadong maganda para maging totoo (“we can erase your debt instantly!”)
  • Fake testimonials o ads na ginaya o ninakaw lang
  • Account o page na may kahina-hinalang pangalan o detalye

Stay safe, stay smart

Protektahan ang pinaghirapan mong pera. I-share ang blog na ‘to para aware din ang pamilya at mga kaibigan mo, dahil kapag lahat tayo ay alerto, mas mahirap para sa mga scammer na manloko.

Share this article now: