Inflation ang dahilan kung bakit bumababa ang halaga ng pera sa paglipas ng panahon. Ka-Tala, protektahan ang purchasing power mo sa pamamagitan ng wais na desisyon, tamang savings, at investments na tumutubo ng mas mabilis kaysa sa presyo ng bilihin.
Alam mo ba na yung ₱100 noong 1900’s, ngayon ay kasing halaga na lang ng ₱7? Ayon sa inflation data, grabe ang pagkalayo ng purchasing power at malinaw na paalala ito na hindi na bumabalik ang pera sa dati nitong halaga.
Mula sa nakaraan hanggang ngayon

Ayon sa PSA data, ang ₱100 noong 1900’s ay kailangan mo na ngayon ng higit ₱1,400 para makabili ng parehong bagay. Grabe, di ba?
Paano makikipaglaban sa patuloy na tumataas na presyo
Hindi natin kontrolado ang inflation, pero kaya nating protektahan ang purchasing power sa pamamagitan ng pagiging wais wais at strategic sa pera. Narito ang ilang simpleng paraan:
1. Mag-focus sa major expenses
Hindi mo kailangang i-track bawat piso. Piliin lang ang pinakamahalaga tulad ng kuryente, tubig, pagkain, at renta.
Kapag alam mo kung saan napupunta ang pinakamalaking bahagi ng iyong pera, mas madali mong makikita kung saan pwedeng magtipid.
Kaya gumawa ng priority list at unahin ang mga gastos na may pinakamalaking epekto sa budget mo.
2. I-compare ang presyo sa malaking bibilhin
Bago bumili ng malaki o mahal na bagay, ikompara ang presyo sa iba’t ibang stores o online shops. Mas mainam din na bumili ka kapag may sale o promo, o kung kaya, bulk-buy para mas mura per unit.
Kahit simpleng grocery, pwede kang makatipid ng 30–40% kung sasadyaing magkompara.
3. Ilagay ang pera sa assets na tumutubo ng mas mabilis kaysa inflation
Maginvest sa mga bagay na lumalago ang halaga at hindi lang nakatengga sa drawer tulad ng stocks, mutual funds, o Pag-IBIG MP2.
Diversify: ‘wag mong ilagay ang lahat ng pera mo sa iisang investment lang. Kung may iba’t ibang asset classes, mas malaki ang chance na lumaki ang pera mo kahit may inflation.
Tala tip:
Mag-ipon din ng emergency fund na naka-adjust sa kasalukuyang presyo. Kung may nakalaan kang pondo sa biglaang pangyayari o gastos, hindi ka mai-stress kahit tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Hindi natin ma-control ang inflation, pero ma-control natin kung paano mag-adapt sa sitwasyon. Sa pamamagitan ng wais na desisyon at tamang strategy, maipapangalagaan ang iyong purchasing power at magiging kasangga sa laban ng buhay ang pera mo.
Ready ka na bang protektahan at palaguin ang pera mo?
Ka-Tala, simulan mo na ang pag-manage ng finances mo gamit ang tools na swak sa lifestyle mo.
I-download ang Tala app ngayon para makapag-ipon, makapag-invest, at kontrolado mo ang pera mo, para sa mas secure at mas smart na future!