Ka-Tala, parte talaga ng financial journey nating lahat ang panghihiram. Pero madalas, ang “utang” ay napupuno ng kaba, hiya, o stress lalo na kapag may aberya sa pagbabayad.
Pero sa totoo lang, hindi kailangang maging mabigat ang usapang pera.
Kapag tama ang mindset at may kasanggang patas na kasama mo sa bawat hakbang, pwedeng maging healthy, mindful, at empowering ang paghiram.

Kaya ngayong taon at sa mga susunod pang panahon, sama-sama nating palakasin ang Happy Utang Mindset. Ito ang paraan ng paghiram na naka-angat, may respeto, at may direksyon.
Narito ang ilan:
1. Track Your Expenses
Kahit gaano kaliit o kalaki ang kita, malaking bagay ang pagiging aware.
Sa simpleng paglilista sa papel o Notes app, mas malinaw mong makikita kung saan napupunta ang pera at kung paano mo maipaprioritize ang responsibilidad mo bilang borrower.

2. Iwasan Biglaang Gastos
Alam nating lahat yan. Yung hindi mo naman kailangan pero “tingin ko deserve ko?”
Pero bilang borrower, ang disiplina ay hindi parusa.
Ito ay paraan para protektahan ang sarili mo, ang peace of mind mo, at ang mga taong umaasa sa iyo.
Happy Utang Mindset ay tungkol sa pagiging intentional, hindi impulsive.
3. Ipon Pa More
Oo, mahirap. Oo, minsan nakakainip.
Pero ang maliit na ipon kada araw ay puwedeng maging malaking ginhawa sa hinaharap.
Halimbawa: 20 pesos a day for 6 months ay halos 3,600 pesos.
Hindi man malaki, pero malaking tulong yan sa emergency, pambayad, o dagdag-budget.
Kasangga tip: Ang ipon ay hindi tungkol sa laki kundi sa consistency.

At higit sa lahat, baguhin natin ang mindset.
Ang utang ay hindi dapat ikinakahiya.
Hindi rin dapat pinagmumulan ng takot.
Ito ay kasangkapan, at para maging kapaki-pakinabang ito, kailangan natin ng tamang habits, tamang pacing, at tamang partner.
Sa Tala, kasama mo ang isang team na naniniwala sa
✔ patas na laban
✔ pag-angat ng bawat customer
✔ financial choices na may respeto at dignidad
✔ relasyon, hindi transaksyon
ay kasama ka. May nagpapatibay sa iyo. At may paraan para maging mas hindi stressful ang utang journey mo, one healthy habit at a time.
Sa huli, isa sa mga bagay na makakatulong sa atin ay ang ating mindset! Kaya naman kapag meron kang Happy Utang Mindset, tiyak na makakatulong ito para mapanatiling stress-free ang iyong utang journey! Sabayan mo pa ng isang reliable loan app na katulad ng Tala, you can get fast cash loans in just 5 minutes!