Back to main page

Kasangga mo si Tala: 3 Wais na paraan para sulitin ang 13th Month Pay!

Quick Take:

Matapos ang isang taong pagtatrabaho, deserve mong sulitin ang iyong 13th month pay! Pero bago mo ito gastusin, tandaan — wais ka kung gagamitin mo ito para sa long-term goals mo.

Sa tulong ng iyong kasangga sa financial journey, Tala, maaari mong gawing simula ng mas panatag at progresibong buhay ang extra cash mo ngayong taon.

Ka-Tala, dumating na ba ang 13th month pay ng lahat? Isang buong taon ng pagtra-trabaho at paghihintay para makuha ito, kaya congrats sa iyo! Sa pagdating nito, ramdam namin ang malaking ginhawang dala ng extrang cash na ito. At gaya ng lahat ng bagay na ating pinag hirapan, kailangan maging extra wais tayo kung saan natin ito gagastusin. 

Kung may isang bagay man na deserve mo sa pagdating ng 13th month pay mo, ito ay ang gamitin ito sa paraan na mag-aangat ng iyong buhay; Yun bang may mas permanenteng epekto. Dahil yung kaunting sakripisyo na ito ay pwedeng magbigay-daan sa mas malaking reward na pwedeng mong gamitin para sa iyong “Deserve ‘ko ‘to” moment!

Kaya naman, wais ka kung isa sa mga sumusunod ang plano mong gawin sa iyong darating na 13th month pay:

Wais Option #1: Be Utang-free!

Yes, ka-Tala, you can use your 13th month pay para bayaran ang lahat ng utang mo. Sa ganitong paraan, ang susunod mong mga sweldo ay mapupunta na sa mga pang-araw-araw mong pangangailangan at goals.

Achieve mo na ang zero utang na may kasama pang peace of mind! Dahil tandaan, ang happy utang mindset ay ang pagbabayad ng utang as soon as possible upang maging Plan B kung sakaling may matinding pangangailangan muli. At kung kakailanganin mo ulit ng kasangga sa panahong gipit, nandito si Tala para tumulong sa’yo, mabilis, flexible, at maaasahan.

Wais Option #2: Mag open ng iyong savings account para sa Emergency Fund

Bilang iyong kasangga sa financial journey, kasama mo si Tala sa pag-abot ng financial freedom.

Sa oras ng pangangailangan, panatag ka dahil may nakahandang emergency fund at hindi mo na kailangang manghiram.

Ngayong may 13th month pay ka, pwede mo itong gawing panimula ng iyong savings account.

Sa darating na bagong taon, maghulog ka paunti-unti tuwing may extra sa budget. Claim it, ka-Tala!

Sa susunod na Pasko, mas malaya kang gumastos dahil panatag ka na sa iyong ipon.

Wais Option #3: Mag simula ng long-term investment

Sa panahon ngayon, marami nang investment options para mapalago ang iyong pera. Make your money work for you!

Kung may kakilala kang financial advisor (oo, ’yung madalas mag-offer ng insurance), pwede kang mag-inquire tungkol sa insurance with investment plans.

Ang kagandahan nito, kapag may hindi inaasahang pangyayari, panatag ka na may proteksyon ka at maiiwan sa pamilya mo. At habang nagbabayad ka ng affordable monthly premiums, lumalago rin ang investment mo na pwede mong gamitin sa iyong retirement o future goals.

Kasangga mo sa wais na desisyon? Tala

Kahit anong piliin mo sa tatlong wais options na ito. Tandaan: si Tala ay kasangga mo sa paggawa ng matatalinong financial decisions.

Bilang iyong trusted financial partner, nandito kami para tulungan kang mag-budget, mag-save, at mag-invest sa mga bagay na mag-aangat sa’yo.

Ready ka na bang gawing wais ang 13th month pay mo? Simulan na ang smart financial move mo, kasama ang iyong kasangga sa pag-unlad — Tala.

Share this article now: