Dahil sa hirap ng sitwasyon dala ng COVID-19, sadyang nakaranas ng panganib ang iba’t ibang Filipino communities at small businesses. Kaya naman inilunsad namin ang Tala Rebuild Fund para masuportahan ang mga negosyong Pinoy na nagbibigay ng essential goods at services sa kanilang komunidad.
Bilang isa sa mga unang efforts ng Rebuild Fund, mag-ooffer ang Tala sa mga customers na small business owners ng pagkakataong mag-apply para sa 6-month Community Support Loans na hanggang PHP 25,000.
Naniniwala kami na ang mga small businesses ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya. Bibigyan ng priority ang mga negosyo na nagbibigay ng mga pangangailangan para makaahon ang mga komunidad mula sa crisis. Kasama rito ang pagkain, tubig, health at medical services, kritikal na household supplies, edukasyon, at logistics na related sa mga serbisyong nabanggit.
Simula pa lamang ito ng Rebuild Fund. Patuloy naming pinagsisikapan ang paghanap ng iba’t ibang paraan para matulungan ang aming customers at ang kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pagbigay ng napapanahong mga produkto.
Para sa pinagkakatiwalaang sources tungkol sa COVID-19 at karagdagang impormasyon tungkol sa fund, pumunta sa aming COVID-19 resource page.
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.