Back to main page

Be Free, Ka-Tala!

Maligayang Araw ng Kalayaan,mga ka-Tala! 

Ang araw na ‘to ay isang mahalagang simbolo sa ating kultura at bayan. Ba’t ‘di natin ‘to gawing simbolo rin para sa ating mga finances? ‘Wag magalala, nandito ang Tala Philippines para magbigay ng iilang tips para maging malaya na rin sa ‘yong mga problemang pinansyal! 

Learning Never Stops 

Educate yourself, ka-Tala. Ang paghanap at pag-explore ng mga bagay na makakatulong sa kanya-kanyang buhay ay ‘di dapat na tumitigil. Sa larawan ng finance, napakahalaga nito lalo na patungong financial freedom. 

Magbasa ng articles, magtanong sa mga financial experts, o ‘di kaya mag-research online! Lahat ‘to, available para sa lahat. Kailangan lang nating kunin agad ang opportunity to learn. 

Magbawas ng Utang 

Hangga’t may utang o tinatawag na financial debt, mahirap lumaya sa mga problemang pinansyal. Payong ka-Tala: pagsikaping mabayaran ‘to on time lagi. ‘Di lang ‘to nakakagaan ng loob, kung ‘di makakatulong rin sa ‘yong kinabukasan kung sakaling kakailanganin ulit umutang (credit score). 

Unti-unting bawasan ang mga utang – ang resulta nito, malaking hakbang patungong financial freedom! 

Bumuo ng Emergency Fund 

Ang tunay na financial freedom, lumalabas t’wing may emergency o ‘di ginugustong pangyayari. Tulad ngayong COVID-19 period, maraming mamamayang naapektuhan financially. Ang lesson to be learned dito is to be prepared for anything. Malaking tulong dito ay ang pagbuo ng isang emergency fund!

Simpleng equation lamang, ka-Tala: kunin ang monthly expenses mo at i-multiply ito sa pitong buwan. Yan ang angkop na emergency fund mo. Para sa kahit na anong mangyari, handa tayo! 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: