Back to main page

Where To Put My Savings

‘Di biro ang usapang savings. Sa bagay, ito ang pera na itinatabi natin para sa mas magandang kinabukasan. Anuman ang mapapakinabangan ng ating savings, importanteng malaman natin kung saan ang magandang lugar para maitago ito at iwasang gastusin ng basta-basta.

Basahin ang blog na ‘to para alamin ang iba’t ibang venue o tools na kung saan pwedeng maitago ang ‘yong savings. 

MAGBUKAS NG SAVINGS ACCOUNT 

Ito ang isa sa pinakamadaling paraan para magtago ng ‘yong savings. Safe ito sa banko, at may interest pa kung ‘di ito gagalawin. Ang requirements nito, simple lang at ‘di kailangang may malaking pera para makapagsimula ng account. 

INSURANCE & INVESTMENTS 

Sa panahon ngayon, ‘di na natin masasabi kung ano ang magiging takbo ng buhay. Kagaya ng pagbagsak ng ekonomiya, o ‘di kaya ang pag-develop ng health crisis. Importanteng handa tayo para sa kahit na anong bagay. Pwedeng ilagay ang savings sa insurance and investment options. Ang makukuha mo rito ay insurance na nagbibigay-proteksyon para sa ‘yong buhay, sa kabila nito ay meron namang porsyentong na napupunta sa investments.

Ibigsabihin nito ay na kasama ng pagdaan ng bawat taon ay ang growth ng pera mo. May proteksyon na nga, lumalaki pa pera mo. Maganda ito para sa mga savers na naghahanap ng added benefit. 

TIME DEPOSIT 

Pwede ring ipasok ang ‘yong pera sa Time Deposit. Ano ito? Ang Time Deposit ay isang bank offering na kung saan pwedeng ilagay ang ‘yong pera for a given time duration. Maaring 30 days ito, o ‘di kaya 60, 90, 180, 360 – depende sa banko na tutulong sa iyo. Mas mataas ang interest rates na ibinibigay nito kumpara sa savings accounts.

Ang dapat tandaan tungkol sa Time Deposit: bawal i-withdraw ang pera hangga’t ‘di pa natatapos ang term. Ito’y para mag-accumulate ang interest. 

SA MADALING SALITA 

Sa madaling salita, maraming options na pwedeng gamitin para magtago ng savings. Kailangan natin gawin ang ating parte sa pag-research ng best possible outcomes, magtanong sa nagsimula nang mag-save, at kumausap sa mga experto. 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: