Kasama ng pagdating ng COVID-19 crisis, ay ang pagbagsak ng maraming negosyo sa iba’t ibang parte ng Pinas. Kasama sa mga apektado ang iilang online stores na umaasa sa delivery, online engagement, at purchasing power ng mga customer.
Ngunit sa pag-lift ng ECQ, unti-unti na nating nakikita ang mga online businesses na bumabangon muli at ngayon ay kumakayod ulit. Narito ang mga ilang lessons na pwede nating matutunan sa kanila:
MAXIMIZE SOCIAL MEDIA
Dati, simpleng post lang sa Facebook – pwede na. Ngayon, mas nagiging creative na ang mga online sellers pagdating sa bentahan ng kanilang mga produkto. Ang pag-maximize ng social media ay naging malaking tulong sa kanilang business dahil isa itong first point of contact ng kanilang customers.
Ibigsabihin nito ay bago pa nila kontakin ang seller, namulat na ang kanilang mga mata sa mga imahe, caption, at reviews sa kanilang mga social media outlets.
So, as an online seller during this time, pwede tayong mag-praktis na kumuha ng mas magandang litrato ng ating mga produkto, magsulat ng magagandang caption, at maging malinaw pagdating sa binebenta. Sa panahon na kung saan hari ang social media, dapat natin ‘to sulitin lalo.
RESEARCH ‘PAG MAY TIME!
Kung titignan natin ang mga successful online businesses, maaari nating pansinsin na naiiba o unique ang kanilang mga produkto. Ayon sa isang sikat na online seller, ang kanyang sikreto – research! Bago pa siya magsimula na magbenta, nag-scan na siya ng mga bagay na kasalukuyang ginagawa ng mga online seller ngayon.
Dahil dito, nakapagisip siya ng different ways to sell her products. Ang kanyang payo, “ngayon na super dami na ng online sellers, kailangan natin gumawa ng effort para mag stand out!”
BE GENUINE
Kung tutuusin, mahirap talaga ang magpasikat online pagdating sa negosyo. E paano, ang daming balita araw-araw na pumupuno sa ‘ting mga feed. Pero ang tunay na galing ng online seller, lumalabas sa kanyang pagkatao.
‘Pag ang online seller ay mabait, klaro, at may tiwala sa sarili niyang produkto – madali itong maspotan ng customer. Yung tipong ‘di niya lulugiin ang kanyang mga customer? ‘Yan ang tunay na magaling na online seller. At siya ang madalas na lalapitan ng tao.
Good luck sa online business, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.