Back to main page

Business Bounce Back: Karinderya

Noon hanggang ngayon, ang karinderya o eatery ay ang isa sa mga paboritong puntahan ng mga tao kung naghahanap sila ng mura at masarap na pagkain. Mapa-breakfast, lunch, o dinner, lagi may handang ulam ang mga karinderya na siguradong sulit!

Pero dahil sa COVID-19 lockdown, maraming karinderya ang naapektuhan. Kung ‘di nagsara, ay nakaranas ng paglulugi o pagbawas ng customers. ‘Di bale, nandito ang Tala para mabigyan tayo ng inspirasyon – lalo na kung tayo ay may ari ng karinderya sa mga panahong ito!

Narito ang iilang bounce back tips para sa karinderya owners:

SAFETY FIRST

Ngayon na papasok na ang bansa sa mas maluwag na guidelines mula sa gobyerno, mas marami nang tao ang nakikita sa labas. At ‘pag nagutom sila, isa sa kanilang options ang kumain sa karinderya. Kaya para masigurado ang kanilang safety at para mabigyan sila ng peace of mind, kailangan nating bigyan ng focus ang kalinisan ang ating mga karinderya.

Social distancing sa bawat lamesa, disposable utensils, rubbing alcohol, at ang pagbabawal ng ‘di nakasuot ng face mask – ito ang mga iilang safety measures na pwede nating sundan upang masigurado ang kaligtasan ng ating mga empleyado at customer.

‘Pag na-achieve ito, tiyak na babalik ang mga customers sa ‘tin!


BISITAHIN ULIT ANG FINANCES

Para sa ‘tin, ang pinakahuli na gusto nating mangyari ay yung malugi ang ating negosyo. Siguraduhing handa tayo para magbukas ulit sa tulong ng pagbisita ng ating mga finances. Nasa tamang kondisyon pa ba ang ating equipment? Kailangan na bang bumili ng bago? May renovations bang kailangang kumpletuhin?

Tanungin ang sarili, ano ang kailangan ng aking karinderya para tumakbo ito ng smoothly?

BE FLEXIBLE 
At kung ‘di kakayanin ang pagbukas ng physical store natin, may iba pang paraan para makabenta! Sa tulong ng Facebook at iba pang social media tools, madali nang ipakita sa lahat ang sarap ng ating binebenta! I-post ito, lagyan ng presyo, at ibenta ng maayos.
At t’wing may mago-order, may special delivery couriers na handang tumulong sa ‘tin. Contactless pa kaya sigurado ang safety ng seller at ng customer. O ‘di ba, ka-Tala? Karinderya na may delivery, nakakaiba!

Good luck sa pag bounce back, ka-Tala!


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: