Back to main page

Paano ba makakaiwas sa scam?

Ang perang pinaghirapan, dapat ingatan. Sa panahon ngayon, marami na ang nabibiktima ng scam dahil sumasabay na rin sa technological advancement ang mga kawatan. Mas nagiging creative na sila para mambiktima, mga ka-Tala. Narito ang mga paraan kung paano sila nakakakuha ng biktima at ang mga tips na dapat nating tandaan para makaiwas sa fraud o scam.

ABANGERS SA COMMENT SECTION

Hindi natin kilala ang tunay na identity ng scammers dahil malupit silang magtago ng kanilang personal information kaya dapat ikaw rin, ka-Tala. Huwag basta magpo-post sa comment section ng inyong personal information gaya ng full name, date of birth, phone number, email address, screenshot ng inyong Tala app na makikita ang amount ng inyong loan, ID pictures, at ang inyong One-Time PIN. 

Naku! Ingatan ang inyong identity para huwag kayong pagpyestahan ng mga kawatan. Inaabangan din ng mga scammers ang mga magco-comment tungkol sa pagbabayad ng loan at sa pag-claim nito. 

Kaya kung ang inyong concern ay patungkol sa iyong account, ang pinakamabuting paraan para matulungan kayo ay mag-email sa aming official email address na support@tala.ph kaysa magpost sa comment section.

KA-CHAT MONG MAPAGPANGGAP TAPOS IBA-BLOCK KA

Madali lang gumawa ng fake account ngayon at magpanggap na ibang tao. Kaya huwag magpapaloko sa mga nagpapakilalang empleyado ng Tala. Tandaan: Hindi makikipag-chat sa Messenger ang sinumang individual employees ng Tala at ang mimsong Tala page para i-assist kayo sa inyong concern. 

Kaya kapag may nagpakilala sa inyo na taga-Tala raw sila gamit ang Messenger at nag-offer na tutulungan kayong magbayad, magloan, at ayusin ang inyong account, ‘matik na scam yan! Huwag nang reply-an. Huwag ring magbibigay ng kahit anong personal information lalo na ang pictures ng inyong ID. Baka agawin nila ang inyong identity at magpanggap silang kayo para sila ang makinabang sa inyong loan at payment.

Mag-screenshot ng kanilang message sa inyo at i-block na sila kaagad. Ang inyong screenshot ay maaari ninyong ipadala sa aming official email address na support@tala.ph para i-report sa amin.

FAKE TALA PAGE

Madali lang din gumawa ng page ngayon sa Facebook. Kahit sinong may account sa Facebook ay may kakayahang makagawa ng page kaya maging mapanuri. 

Tandaan na iisa lang ang tunay na Facebook Page ng Tala. Ang aming Facebook page ay https://www.facebook.com/talaphilippines/ at wala ng iba pa. Pagmasdang mabuti. May makikita tayong blue check mark sa pangalan ng aming page. Iyan ang palatandaan kung legit na Tala page ba ang inyong napuntahan. 

Makikita rin na ang followers ng Tala ngayon ay mahigit na sa kalahating milyon kaya kung may napuntahan kayong page na kaunti lang ang followers at walang blue check mark, hindi tunay na Tala page iyon. Paki-copy ang link ng fake page na iyong nakita at i-send sa aming official email address na support@tala.ph para i-report sa amin.

Iwasan din ang pagsali sa mga public at private group sa Facebook patungkol sa mga lending companies dahil hindi natin sigurado kung safe ba talaga ang grupo na inyong sinalihan. Ipagpalagay nating maaaring nag-aabang din doon ng mabibiktima ang mga scammers.

WALANG PAYMENT CHANNEL SA SMART PADALA, BANK TRANSFER, ETC.

Tandaan na hindi maaaring magbayad ng Tala loan gamit ang Smart Padala, at bank transfer. Ang authorized payment channels ng Tala ay GCash, Maya, Coins.ph, ShopeePay, Lazada, 7-Eleven, Cebuana Lhuillier, at M Lhuillier.

Anumang ibang payment channel na inyong ginamit ay hindi mapo-proseso ang inyong bayad. Kaya kapag nagkaproblema po sa inyong Tala app at nahirapan kayong magbayad ng loan, ang pinakamabuting paraan para matulungan  kayo ay mag-email sa aming official email address na support@tala.ph.

Tandaan muli: Huwag manghihingi ng payment link o reference number sa kaninumang nagcha-chat. Ang inyong reference number ay specific lamang sa inyong account kaya kapag gumamit kayo ng ibang reference number na ibinigay lang ng nag-chat sa inyo, hindi  matatanggap ng Tala ang inyong payment.

HUWAG MAGBAYAD NG PROCESSING FEE PARA MAKAPAG-LOAN AT RELOAN

Tandaan na walang dapat bayarang processing fee o advance payment bago maaprubahan sa pag-apply ng loan, sa first loan man o sa reloan. Hindi maniningil ang Tala ng paunang bayad para ma-proseso ang inyong loan application. Kung may mag-o-offer sa inyo na magbayad muna at pangangakuhan na ibabalik din sa inyo ang inyong advance payment, huwag maniniwala dahil hindi iyon totoo. 

Ang loan application ay isinasagawa sa pamamagitan lamang ng paggamit ng Tala app at wala ng iba pa kaya huwag magtitiwala at huwag magbibigay ng pictures ng inyong ID at personal information sa mga magcha-chat sa inyo na sila ang magpa-process ng inyong application.

BAKIT BA LAGING SINASABI NA MAG-EMAIL SA SUPPORT@TALA.PH?

Ang pinakamabuting paraan para matugunan ang inyong concerns ay ang pag-send ng email sa aming official email address na support@tala.ph. Tandaan na iyan lamang ang email address na dapat kontakin at huwag maniniwala sa iba pang pinanggalingan ng email. Agad na i-check ang email address ng nag-send sa inyo. 

Kung may duda sa email na inyong natanggap, agad na mag-screenshot at i-report sa amin. Kung hindi po kayo makakapag-email, maaari po kayong magtext sa aming official SMS line (21585280) o sagutan itong nasa link para makontak ang Customer Experience Team: https://talaphilippines.zendesk.com/hc/en-us/requests/new 

Bigyan ng 24-48 hours ang aming Customer Experience Team para makapag-reply. Para maiwasan ang late payments kapag may problema sa Tala app tulad ng pagpalit ng phone number o device, nawala ang phone, at nakalimutan ang PIN – maaga pa lang ay agad nang kumontak sa amin.

Maging matalino at maalam sa tamang proseso. Ito ang link ng aming Help Center para malaman ang sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa Tala: https://talaphilippines.zendesk.com/hc/fil

Kapag aware sa tamang proseso, makaiiwas tayo sa manloloko. Ingat, ka-Tala!


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: