Alam mo bang maaari kang mabiktima ng identity theft kapag ibinigay mo sa scammers ang pictures ng iyong ID at personal information?
Paano nila gagawin? Simple lang. Magpapanggap silang ikaw gamit ang mga information na ibinigay mo para makakuha ng pera o para mang-scam sa ibang tao. Maaari silang gumawa ng fake account o email address gamit ang iyong identity. Hindi mo namamalayan, biktima ka na pala.
Paano makukuha ng scammer ang iyong information?
- Aabangan nila ang mga post mo sa Facebook page at sa comment section. Kapag nagkaroon sila ng interes sa iyong account, maaari nilang i-check ang iyong profile sa social media at kunin ang iba mo pang pictures at information.
- Sa chat. Kapag may nanghihingi sayo ng pictures ng ID, date of birth, account full name, complete address, One-time PIN (OTP) o verification code, contact number, at screenshot ng iyong Tala app, at ibinigay mo, voila – biktima ka na.
Ano ang dapat gawin para hindi maging biktima ng identity theft?
- Tandaan na huwag magbigay ng anumang account information sa magcha-chat sa inyo dahil siguradong hindi legit iyon.
- Huwag ding i-post sa comment section ang iyong account information. Tandaan na ang comments sa Facebook ay naka-public. Kahit sino ay pwedeng makakita nito kaya huwag ilagay sa comment ang iyong account details. Mag-email na lamang sa support@tala.ph kung may specific concern sa inyong account.
- Iwasan din ang pag-join at pag-post sa mga public at private groups sa Facebook na nag-uusap tungkol sa mga loan.
Ginagawa ng Tala ang aming best para protektahan ang inyong data privacy. Kailangan nating magtulungan para hindi rin kayo maging biktima ng fraud.
Ingat, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.