Back to main page

Benefits of Paying your Tala Loan with GCash

Patuloy na dumadami ang nagda-download ng Tala app para sa mabilis na pag-apply ng loan. Sa loob lamang ng ilang minuto, malalaman mo na kung aprubado ba ang iyong application basta’t nakapag-submit ng isang valid ID at nakumpleto ang kaunting steps na makikita mismo sa Tala app. Mayroon ding iba’t ibang cash out channels na pagpipilian para ma-claim ang loan tulad ng Coins.ph, banko, at padala center. 

Madali lang ding magbayad ng Tala loan. Kailangan lang na piliin kung saan babayaran ang loan at mag-generate ng refrence number gamit ang mismong Tala app. Ngayon, may panibagong  payment channel ang Tala para sa mas conveninent na payment. Maaari nang makapagbayad ng loan sa M Lhuillier, Cebuana, Coins.ph, 7-eleven at GCash.

Dahil may pandemic ngayon, marami sa atin ang nangangambang lumabas ng bahay at humawak ng cash. Hindi kasi natin alam kung safe ba. Dagdag pa riyan ang busy schedule sa trabaho at pag-aasikaso ng gawaing bahay kaya minsan ay hindi na natin alam kung paano gawing priority ang pagbabayad ng mga bills at loan.

Buti na lang, uso na ngayon ang mobile wallets tulad ng GCash para sa ating cashless transactions. 

Yes! We heard you, mga ka-Tala! Kaya siguradong good news sa ating lahat na maaari na ring makapagbayad ng Tala loan gamit ang GCash. 

Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagbabayad ng Tala loan gamit ang GCash app?

  1. Accessible – Kahit hindi ka Globe user, maaari kang mag-register sa GCash para makapagbayad ng Tala loan. 
  2. Affordable – Kahit magkano ang iyong babayaran, mananatiling P20 lang ang convenience fee.
  3. Convenient – Hindi ka na pipila sa padala center. Gamit lang ang mobile phone, anumang oras ay makakabayad ka na basta’t may sapat na pondo ang iyong GCash wallet.
  4. Fast – Real time o makakatanggap ka agad ng SMS confirmation pagkatapos magbayad ng loan kaya makakaiwas kang ma-miss ang iyong due date.
  5. Safe – Hindi mo na kailangang lumabas ng bahay at makisama sa maraming tao. Makakaiwas ka sa panganib na dulot ng pandemya at ng masasamang loob. Cashless ang transaction kaya makakaiwas din sa paghawak ng pera na maaaring pagtawiran ng virus.
  6. Secure – Makakaiwas ka sa scam basta’t sundin lamang ang tamang steps sa pagbabayad ng loan.
  7. Earn green energy – Maaari kang makatulong sa environment kapag nakapag-collect ka ng green energy sa GCash Forest sa pamamagitan ng pagbabayad ng loan sa Tala gamit ang GCash app. Kapag nakaipon na ng sapat na amount ng green energy, maaari ka nang bumili ng puno at magkaroon ng certificate. Nakabayad ka na, nakapagtanim ka pa!
  8. Easy – kaunting steps lang ang kailangan, makakapagbayad ka na. Kapag may payment reference number ka na galing sa Tala app, mag-log in lang sa GCash app, pindutin ang Pay Bills > Loan > at hanapin ang Tala. Ilagay lang ang reference number, amount, at contact details. Pindutin ang Next button at kumpirmahin ang iyong payment. Voila!
  9. Chance to reloan and get higher loan amount – ang pinakamahalagang benefit ay kapag nakakapagbayad ka na ng iyong Tala loan sa tamang oras, mas malaki ang chance na makapag-reloan agad at ang chance na makakuha ng mas mataas na loan amount sa Tala. 

Tipid sa oras kung busy ka, di ba? Ngayong mas madali nang magbayad ng Tala loan, masusulit mo na rin ang quality time para sa iba pang priority. Kung paanong accessible, affordable, convenient, fast, safe, secure, at easy ang pag-apply ng loan sa Tala, ganun din ang pagbabayad nito.

Kaya tuluy-tuloy lang sa pag-loan, ka-Tala! Cheers!


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: