Paano magbayad ng Tala loan gamit ang PayMaya?

Shout out sa lahat ng PayMaya users, pwede nang magbayad ng Tala loan with PayMaya! 

Mas marami nang paraan para makapagbayad on time kahit nasaan ka man gamit lang ang iyong phone. Dahil mayroon na ring payment channel sa PayMaya, mas easy and convenient na ang pagbabayad ng iyong Tala loan.

Paano ba magbayad ng Tala loan gamit ang PayMaya?

STEP 1: Download and open the PayMaya app

STEP 2: Pumunta sa Bills -> Loans -> Tala

STEP 3: I-enter ang generated reference number na makikita sa ’yong Tala app, ang amount na babayaran (kasama ang convenience fee), at contact details.

STEP 4: Makakatanggap ka na agad ng payment confirmation SMS mula sa Tala at PayMaya.

Para malaman ang iyong reference number, sundin lang ang steps na ito:

STEP 1: Siguraduhing updated ang version ng iyong Tala app. 

STEP 2: Mag-log in sa Tala app. Sa Tala app home page, i-click ang “Make A Payment” button.

STEP 3: I-type kung magkano ang iyong babayaran at pindutin ang “Choose Where to Pay” button.

STEP 4: Piliin ang PayMaya bilang iyong payment method.

STEP 5: Makikita mo na ang iyong reference number at ang amount na iyong babayaran kasama ang Php 20 convenience fee. Ito ang ilalagay mong information sa iyong PayMaya app.

Super fast and easy lang di ba?  Unahin mo munang mag-generate ng reference number gamit ang iyong Tala app para makumpleto ang payment information na ilalagay sa PayMaya.

Paalala lamang na gamitin ang mismong PayMaya app para magbayad ng Tala loan. Ang iyong reference number ay para lamang sa iyong loan kaya huwag gagamit ng reference number ng ibang Tala o PayMaya user. Hindi namin matatanggap ang iyong payment kapag hindi mo sariling reference number ang iyong inilagay.

Kung may problema sa pagbabayad ng loan, mag-send lang ng email sa support@tala.ph para ma-assist ng aming team.


This information published on this website is of a general or educational nature and does not take into account your specific objectives, financial situation or needs. You are strongly encouraged to consult with your financial planning, tax and legal advisors to determine if any particular financial product or services is suitable to your financial situation. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.