Back to main page

PhilSys ID, pwede na sa Tala! Bakit ito mahalaga?

Dagdag sa mga valid ID na pwedeng i-upload sa Tala app ay ang PhilSys ID o National ID. Alinsunod ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act. 

Ang PhilSys ID ay kinikilala ng government at private sectors bilang valid proof of identity. Kaya naman todo-suporta ang Tala Philippines sa bagong batas na ito. Sa lahat ng mga bagong gustong mag-loan sa Tala, PhilSys ID lang, sapat na!

Mayroong 3 steps para magkaroon ng PhilSys ID.

Step 1: Mag-register online sa https://register.philsys.gov.ph. Pagkatapos mag-register, hintayin lamang ang text message o email mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na naglalaman ng iyong appointment reference number. Huwag burahin ang message mula sa PSA dahil kailangan mo itong ipakita sa step 2. 

Step 2: Dito, iva-validate ang demographic data at kukuha ng biometric information tulad ng iris scan, fingerprints, at front-facing photograph na isinasagawa sa mga designated registration centers.

Dalhin ang appointment slip o ipakita sa screener ang text message o email mula sa PSA at supporting documents. Ang mga supporting documents ay isang valid ID at PSA birth certificate.

Tandaan na magsuot ng maayos na damit, huwag naka-sando o sleeveless sa iyong ID picture. Iwasan ang maglagay ng makapal na make up, contact lenses, hikaw, kwintas at iba pang uri ng facial piercing bago kuhanan ng biometrics.

Step 3: Ide-deliver ang iyong PhilSys ID sa iyong registered address. HIntayin lamang ito.

Madali lang mag-register, ‘di ba? May bonus pa dahil pwede ka ring mag-open ng Landbank account sa step 2 pa lang ng registration. Tatanungin ka ng staff ng PSA kung gusto mong mag-open ng bank account nang walang bayad. At isasabay ang delivery ng iyong card sa pagdeliver ng iyong PhilSys ID. Magandang pagkakataon ito para magkaroon ng bank account ang mga kababayan nating wala pang bank account.

Bakit ba mahalaga ang PhilSys ID?

Ayon sa PSA, ang PhilSys ID ay mayroong security features tulad ng guilloche print, hologram, security inks, optically variable inks, at latent images na makikita rin sa mga bank notes at iba pang security documents. Dahil sa disenyo nito, masisiguro ang kaligtasan ng mga impormasyong nakapaloob dito laban sa identity theft at iba pang uri ng hindi awtorisadong paggamit. 

Makakatulong ang PhilSys ID sa pag-track ng medical record at health information ng mga pasyente. Magagamit din ito sa pag-track ng education progress ng mga estudyante. Maaari ring gamitin ang PhilSys ID sa pag-apply ng passport.

Suportado ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang PhilSys ID kaya maaring gamitin ito sa pag-open ng bank account sa anumang banko. 

Suportado rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paggamit ng  PhilSys ID bilang valid proof of identity para sa mga pampubliko at pribadong transaksyon.

Higit sa lahat, pwedeng gamitin ang PhilSys ID sa pag-apply ng Tala loan kaya hinihikayat naming mag-register na para magkaroon ng PhilSys ID! 

Bukod sa PhilSys ID, maaari ring gamitin ang Voter’s ID, UMID, Driver’s License, Passport, Postal ID, at SSS ID sa pag-apply ng loan sa Tala. Kung ikaw ay nagbabalak pa lang na mag-apply ng loan sa Tala, isang valid ID lang ang iyong kailangang i-upload. Mamili ka lang ng isa sa mga nabanggit na valid ID at pwede ka nang mag-apply ng loan sa Tala!

Kung mayroon pang katanungan tungkol sa PhilSys ID, mag-email sa info@philsys.gov.ph, o tumawag sa PhilSys hotline 1388. 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: