Tayong mga Pinoy, maraming beses na nating naririnig ang katagang, “Walang manloloko kung walang magpapaloko.” Ngunit hindi maikakaila na maraming masasamang loob ang nais na magsamantala sa ating kapwa-tao. Kaya naman, protektahan natin ang ating sarili para hindi tayo maloko.
Bakit nga ba may manloloko?
Gusto ng scammers na magsamantala upang makakuha ng pera sa hindi magandang paraan. Ang kanilang husay at talino sa teknolohiya at komunikasyon ay hindi nila ginagamit sa mabuti. Nakakalungkot isipin ngunit hindi sila naaawa sa kanilang biktima. Ang gusto lang nila ay makinabang at makuha ang perang iyong pinaghirapan.
Bakit nga ba may nagiging biktima?
Kahit saang industriya o business, may mga nabalitaan na tayo tungkol sa scam. Ngunit patuloy pa ring mayroong nabibiktima dahil:
- Hindi masyadong pamilyar ang biktima sa mga official website, social media account, contact channels, at proseso ng serbisyo.
- Likas na mabait at mapaniwalain ang karamihan sa ating mga Pilipino kaya mabilis na magtiwala sa kapwa.
- Maaaring hindi mahilig magbasa o hindi nagri-research tungkol sa produkto o serbisyo bago mag-avail.
Paano maiiwasang maloko o ma-scam?
Bilang consumer ng anumang financial services tulad ng Tala loan, mahalagang alamin natin ang mga authorized source ng information tungkol sa serbisyo.
- Maniwala lamang sa authorized source of information. Alamin kung ano ba ang official website, social media account, at contact information.
- Maging matiyaga sa pagbabasa ng official posts para maging updated tungkol sa produkto o serbisyo na ina-avail. Lahat ng kailangan nating malaman ay mababasa natin.
- Huwag maniwala agad sa mga sabi-sabi ng kakilala o ng ibang taong nagbibigay ng komento sa social media. Kung mayroong tanong o concern tungkol sa isang produkto o serbisyo, kumontak lamang sa tamang customer service channel. Ito ay para makuha ang tamang sagot at para magkaroon ng solusyon ang suliranin.
Ang Tala ay nakahandang tumulong sa inyo upang mabawasan ang mga nabibiktima ng scam. Mayroon ng available o published information tungkol sa tamang proseso ng aming serbisyo. Mayroon din kaming anti-fraud tips and reminders para makatulong sa inyo. Mababasa ang mga ito sa aming official website, blog, Help Center at Facebook account. At kung mayroong concern, ang tamang paraan ng pag-kontak sa amin ay sa pamamagitan ng pag-email sa support@tala.ph.
Ka-Tala, alam naming mahalaga ang perang inyong pinaghirapan. Kailangan nating magtulungan upang pareho tayong hindi mabiktima ng mga kawatan!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.