Back to main page

Payment Scams na Maglulubog Sa’yo sa Utang!

Masakit sa damdamin na ang perang pinaghirapan ay mapupunta lang pala sa mga scammer at hindi sa dapat mong pagbayaran. Kaya alamin natin ang payment scam para hindi tayo malubog sa utang.

Modus chat and block!

Ito ang mga scammer na gumagamit ng logo ng Tala sa kanilang fake social media accounts para mag-assist sa inyong payment concerns. Icha-chat ka nila sa Messenger at bibigyan ka ng reference number para makapagbayad ka ng loan. Sisingilin ka nila at kung minsan ay gagamit pa ng hindi magandang salita. Pipilitin ka nilang magbayad agad. Kung sakaling wala ka pang pera, pipilitin ka pa ring magbayad ng kahit magkano. Pagkatapos mong magbayad at mag-send ng resibo, iba-block ka na nila para hindi mo na sila makontak.

Sino ang maaaring maging biktima?

Maaaring mabiktima ang sinumang naniniwalang may Messenger ang Tala. Kaya, isipin na nating kapag may nagcha-chat sa Messenger, ‘matic na scam ‘yan!

Anong dapat gawin para hindi mapunta sa scammer ang bayad?

Gamitin lamang ang Tala app sa pagkuha ng reference number kapag magbabayad ng loan. Kung sakaling hindi maka-log in sa Tala app, ang pinakamabuting paraan ay mag-email sa support@tala.ph bago ang iyong due date.

Para sa mga bagong Tala app user na hindi pa alam ang tamang paraan ng pagbabayad ng loan, maaaring magbasa sa aming Help Center at sa official Facebook page para malaman ang tamang proseso. 

Ang Tala ay hindi konektao sa anumang fake Facebook page at individual accounts na magcha-chat sa inyo sa Messenger. Hindi namin mare-receive ang inyong payment kapag hindi sa aming authorized channels at kapag hindi ninyo sariling reference number ang inyong ginamit sa pagbabayad ng loan.

Ang aming authorized payment channels ay GCash, PayMaya, Coins.ph, 7-Elevem, Cebuana Lhuillier, at M Lhuillier.

Kapag alam natin ang tamang proseso ng pagbabayad ng loan at kung kanino tayo hihingi ng tulong, hindi na tayo mabibiktma ng scammer. 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: