Back to main page

Tala Budget Tracker: Makakatulong sa Pag-iipon Mo

Anuman ang kalagayan natin sa buhay, mahalagang makapag-ipon tayo para sa kinabukasan! At para mapanindigan ang pag-iipon, mabuting gumawa ng plano. Maaari mong gamitin ang Tala budget tracker na inihanda namin para  makita mo kung magkano ang iyong income at expenses kada buwan.

Don’t worry! Mababasa mo rito ang guide sa paggamit ng Tala budget tracker.

Mga steps sa paggamit ng budget tracker:

Sa panimula ng bawat buwan:

  1. Ilista kung magkano ang iyong income.

Sa bandang itaas ng budget tracker, may nakalagay na “Amount Estimated.” Isulat dito kung magkano ang iyong income mula sa lahat ng iyong resources tulad ng sweldo sa trabaho, kita mula sa legal na side hustles, kita mula sa negosyo, o mga investment. Huwag munang sagutan ang “Amount Actual” column sa ngayon.

  1.  Ilista ang iyong monthly expenses

Sa ibaba ng iyong income, isulat ang lahat ng iyong mga gastusin. Ang expenses ay ang lahat ng iyong mga binabayaran at binibili kada buwan. Muli, huwag munang sagutan ang “Amount Actual” column sa ngayon.

  1. Alamin ang iyong balance

Una, ibawas ang iyong total expenses sa iyong total income.

(income – expenses = balance)

Ayon sa example tracker sa itaas, kung kumikita ka ng PHP 30,000 at sa palagay mo ay gumagastos ka ng PHP 16,099, ang iyong balance ay PHP 13,901 sa katapusan ng buwan.

  • PHP 30,000 (income) – PHP 16,099 (expenses) = PHP 13,901 (balance)

Sa madaling salita, ang iyong balance na PHP 13,901 ang halaga ang ilalagay mo sa iyong savings o ipon. Kung magiging consistent ka sa pagtatabi ng ganitong amount kada buwan, makakaipon ka ng PHP 166,812 sa loob ng isang taon.

  1. I-review at i-adjust ang budget

Tandaan na ang column na Amount Estimated sa kaliwang side ng tracker ay estimate amount lamang sa panimula ng buwan. Ngayon, mahalagang ma-review ang iyong actual expenses para malaman mo kung nasusunod mo ba ang iyong savings goal o kung kailangan mo bang i-adjust ang iyong budget.

Kaya pagkatapos ng buwan, balikan ang tracker at ilista sa ilalim ng “Amount Actual” ang lahat ng expenses na talagang nagastos mo. At i-revise ang iyong budget sa susunod na buwan para makasunod sa iyong savings goal.

Sa example budget tracker sa itaas, makikita na ang actual income ay mas maliit ng kaunti kaysa sa estimate, habang ang expenses naman ay mas mataas. Kaya naman, malalaman natin na kailangang magbawas ng expenses para makamit ang savings goal na ginawa sa nakaraang buwan.

Panatilihin lamang ang pagta-track ng budget at maglaan palagi ng para sa savings. Magkano man ang iyong income, mahalagang makapagtabi pa rin kahit kaunti para may magamit kapag may emergency. Maaari mo ring pag-ipunan ang anumang goal na nais mong makamit.


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: