Mabigat sa kalooban kung ang pinaghirapan mong pambayad ng loan ay mapupunta pala sa iba at hindi sa iyong Tala account. ‘Wag kang mag-alala. Tutulungan ka naming makaiwas sa scam, ka-Tala!
Karamihan sa mga naging biktima ay ang mga gumagamit ng GCash at 7-Eleven sa pagbabayad ng loan. Kaya may mga tips kami para hindi ka mabiktima ng payment scam.
Tips para hindi mabiktima ng payment scam via GCash at 7-Eleven
- Mag-generate ng reference number sa Tala app
Ang reference number ay unique code para sa iyong loan. Makukuha ito sa pamamagitan ng Tala app lamang. Mag-log in sa Tala app. Pindutin ang Make a Payment button. Ilagay ang amount na babayaran at pindutin ang “Submit.” Pagkatapos nito ay piliin ang payment method na convenient sa’yo para mag-generate ng reference number ang app.
Tandaan na ang format ng reference number kapag magbabayad ka ng loan sa GCash at sa 7-Eleven ay TALA + alphanumeric characters. Hindi ito phone number ng isang tao, o iba pang format.
- Para sa GCash user, ‘wag mag-Send Money
Ang pagbabayad ng loan gamit ang GCash ay hindi sa pamamagitan ng Send Money. Kapag may nagsabi sa’yong mag-send ka ng payment sa GCash phone number ng isang tao, siguradong scam ‘yan!
Ang tamang pagbabayad ng loan sa GCash ay pagpunta sa Pay Bills > Loans > Tala. Para sa mas detalyadong steps, basahin ang blog na ito: Paano Magbayad ng Tala Loan Gamit ang GCash?
- Paggamit ng 7-Eleven CLIQQ machine at CLIQQ app
Ang ipapa-scan mong barcode ay dapat lang na generated ayon sa iyong Tala reference number.
Pindutin ang Pay Bills > Loans > Tala. Huwag kang magpa-scan ng ibang bar code na ibinigay lang sa’yo ng ka-chat mo sa FB Messenger o ng sinumang kakilala.
- ‘Wag maniwala sa magcha-chat sa FB Messenger
Ka-Tala, palagi naming ipapaalala na ‘matic na scammer ang kausap mo sa FB Messenger dahil hindi gumagamit ng FB Messenger ang Tala para mag-assist sa inyo. Kahit pa may logo ng Tala ang profile picture, at kahit pa nagpapakilala silang empleyado ng Tala, ‘wag kang maniniwala! Dahil hindi authorized ng Tala ang sinumang empleyado na mag-assist sa inyo gamit ang FB Messenger. Tandaan na kapag may ka-chat kayo sa FB Messenger para tulungan kayo sa iyong loan, 100% scammer ‘yan! I-block at i-report mo na kaagad.
Anong gagawin kung hindi makapag-generate ng reference number gamit ang Tala app?
Simple lang! Mag-email sa support@tala.ph bago sumapit ang iyong due date at hintayin ang reply ng aming team para matulungan kayo sa pagbabayad ng loan. ‘Wag nang mag-entertain ng sinumang magcha-chat sa inyo sa FB Messenger. Sa authorized channel lamang kumontak para tama at makasigurado ka na ang iyong bayad ay mapupunta sa iyong Tala account at hindi sa kamay ng manloloko.
Kapag alam natin ang tamang proseso ng pagbabayad ng loan at kung saan tayo hihingi ng tulong, hindi na tayo magiging biktima ng scammer. Ang bayad mo ay safe na makakarating sa iyong Tala account at maaari mo pang ma-enjoy ang pagkakaroon ng reloan at higher loan amount sa susunod!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.