Sa Tala, naniniwala kami na ang Pinoy, may kakayahan humawak at magpalago ng pera basta’t mabigyan lang siya ng sapat na budget para sa araw araw na pangangailangan. Kaya ang hangarin ng karamihan ay ang magkaroon ng maayos na ipon. Ang tanong ng bayan — posible nga bang makaipon kahit may utang?
With Tala, posible ‘yan! Narito ang ilan sa mga rason bakit nga ba mas flexible at stress-free ang pagkuha ng loan mula sa Tala:
1. Easy repayment scheduling
Kapag humiram ka sa Tala, ikaw ang magse-set ng iyong sariling repayment schedule. Sa madaling salita, pwede mong isakto ang iyong ‘selected date’ ng pagbayad sa mismong sweldo mo, o kung kailan mo man makukuha ang iyong pambayad. Basta’t pasok sa 60 days, okay na okay yan with Tala!
Dahil ikaw ang pumili ng repayment date, mas confident kang makakabayad ka on schedule, at ‘di gaya sa ibang lenders, makakaiwas ka sa pagkabaon sa pagkalaki-laking interest sa tuwing na-dedelay ang pagbabayad.
2. Repay early and pay less
Ika nga nila, dapat advance mag-isip! Sa Tala, ine-encourage namin ang advance payments para makatipid sa service fees. Kung ikaw ay nakalikom na ng pambayad, ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, at bayaran na ang iyong Tala loan. Tandaan na may maliit na daily fee kada araw, kaya posible talagang makatipid if you pay earlier than your selected date. At kapag nakatipid, pwedeng gamitin ang extra cash para sa pang dagdag allowance ni Junior, o di kaya’y sa surprise pasalubong ni bunso. O baka naman ito na ang matagal mong hinihintay na pagkakataong makapag simula ng maliit na savings na pwedeng gamitin for your future business o kahit emergency fund. The possibilities are endless, ka-Tala.
3. Only pay for the days you need
Sa dating Tala loans, pareho ang babayarang fees magbayad ka man nang mas maaga o nang on time. Pero ngayon, dahil may daily service rate na, ang babayaran mo na lang ay ang service fee para sa mga araw ng active ang iyong Tala loan. Dahil diyan, magagamit mo ang halagang natipid mo sa iba pang importanteng bagay gaya ng personal savings or sa pag-iipon ng puhunan para sa maliit na business.
Kung nasa sitwasyon ka naman na kailangan mo ng mas mahabang panahon para makapagbayad, okay lang din ‘yan dahil ikaw pa rin ang may kontrol kung kailan ka magbabayad. 0.5% lang ang daily fee na babayaran para sa additional days na ikaw ay gagamit ng loan – resonable at hindi masakit sa bulsa diba?
4. Get automatic approval and continuous access to more loans
Talaga namang seryoso kami sa pagiging pinaka-reliable na financial partner ninyo. Kaya bilang valued customers namin, we are giving you continuous access sa loans. Ibig sabihin, isang beses mo lang kailangan dumaan sa regular na application process para makakuha ng loan. At basta’t nababayaran mo lagi ang iyong outstanding loans, laging automatically approved ang iyong susunod na loan at makakahiram ka nang paulit-ulit sa Tala in just a few steps.
Sa pamamagitan nito, umaasa kami na matulungan namin kayong magkaroon ng peace of mind na ano man ang dumating na pangangailan, ay siguradong meron kayong pagkukunan . At kung dumating din ang panahon na makaraos na, nawa’y ito ay maging daan para masimulan at mabuo mo na ang iyong inaasam asam na ipon.
Minsan sa buhay, kailangan lang talaga na may isang maniniwala at magtitiwala para malampasan mo ang mga hamon ng buhay. Kaya ang bagong Tala loans ay dinisenyo para maging flexible at maasahan para sa iyong mga pangangailangan. As your trusted and reliable financial partner, inilalagay namin ang buong paniniwala at pagtitiwala namin sa’yo at sa mga bagay na kaya mong makamtan! Tuloy lang sa laban at sa pag-asenso!
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.