“Ayokong maranasan mo ang hirap na naranasan ko noon.”
Narinig mo na ba ang mga salitang ito? O di kaya’y ikaw mismo ang nag sabi nito? Bawat magulang siguro ay makaka-relate na pagdating sa mga anak, gagawin ang lahat para maging maginhawa at maayos ang kanilang buhay.
Sa blog na ito, makikilala natin si Tatay Ronnie – dating OFW at proud tatay ni Kla, na isang solid Tala customer. Ito ang kwento na nagpapatunay na kahit anong sakripisyo ay kayang gawin ng isang ama para sa ikabubuti ng kanyang anak. At, pati na rin ng mga tao sa paligid niya.
Ang Palayaw ni Papa
“Joker ang palayaw ng papa kong OFW na halos 10 years ding nagtrabaho sa Middle East. Medyo kakaibang palayaw pero ang hindi ko alam, may malalim palang pinanggalingan.
Hindi ko ito lubos maintindihan pa dati, pero ang hirap ng buhay ng isang OFW–physically, mentally, and spiritually. Bukod sa pagod ng araw-araw na pag kayod, sasamahan pa ito ng matinding lungkot dala ng sobrang pagka-miss sa iyong pamilya sa Pinas. Pero syempre, alang-alang sa pamilya ay patuloy na lumalaban.
Ganito rin ang kwento ng aking papa at ng kanyang mga kapwa OFW na nakasama. Pero si Papa, sa halip na magpadala sa lungkot, dinaan niya nalang sa biro. Kahit corny basta’t makapag bigay lang ng tawa, at madamayan lang ang katrabahong nalulungkot at nawawalan ng pag-asa. Kaya naman, sa panahon na kailangan nila ng karamay o kaibigan, si Joker ang kanilang takbuhan.
At bukod sa kanyan sense of humor, kilala rin si Joker sa kanyang words of wisdom! Siya rin ang takbuhan kapag kailangan ng isang kausap, tagapakinig, at payo na rin sa mga problema. ‘Yan si Joker, maasahan–hindi kailanman naging madamot sa pagbibigay ng saya at pagkakaibigan.
Lahat ng ito nalaman ko nung ako ay tumungtong ng high school. Actually, si Joker bilang kaibiigan, ay hindi naman nalalayo sa nakilala kong Papa. Bilang haligi ng tahanan, si papa ang nagbibigay sigla sa bahay dahil lagi niya rin kaming pinapatawa sa mga baon niyang jokes.
Si Joker Bilang Aking Papa
Pagdating naman sa words of wisdom, laging sinasabi ni papa dati, “Pamana na namin sa iyo ‘yong pag-aaral mo, anak.” Hindi nakatapos ng college si Papa, pero ‘di naging sagabal yun sa paghahanap niya ng trabaho na pang-tustos sa pag-aaral ko dati. Alam niya kasi yung hirap ng paghahanap ng trabaho kapag hindi ka nakapag-tapos.
Kaya sa mga anak diyan tulad ko, malaking investment para sa mga magulang natin ang ating pag-aaral. At makakabawi tayo sa kanila sa simpleng pag-aaral natin ng mabuti.”
Si tatay Ronnie ang patunay na hindi lahat na ang pamana sa ating mga anak ay nasusukat ng pera. Ang tapang, sipag, at prinsipyo ay iba’t ibang uri ng pamana na maaaring magsilbing inspirasyon para sa ‘ting mga anak. Pwede nating simulan sa pagtuturo sa kanila ng healthy finacial habits.
Tulad ni Tatay Ronnie, kailangan din natin ng karamay na maasahan at masasandalan natin sa oras ng pangangailangan. Kaya naman, andito ang Tala upang maging reliable financial partner mo, kasama mong abutin ang iyong dream negosyo o kahit sa pag-iipon!
Gawing posible kasama ang Tala!