Back to main page

#SuperTatay: InstaDad

“What makes a man is not the ability to have a child but having the courage to raise one.” -Barack Obama

Ano nga ba ang sukatan para maituring na isang ama? Sapat na ba ang pagiging magka-dugo? Sa kwentong ito, ka-Tala, makikilala natin si #SuperTatay Caloy, at ang kanyang journey kung paano sya naging InstaDad. 

Road to #InstaDad

Father. Ama.

Para sa akin, these are words that would describe someone you can rely on. Isang taong tinitingala mo, at maasahan mong laging andyan para umalalay sa iyo.

#SuperTatay Caloy kasama ang kanyang nag-iisang Tata.

Kung pakikinggan mo, para bang napakasimple at napakadali maging ama. Pero ano nga ba ang sukatan para maging isang mabuting ama?

Well, that’s where my story starts.

I met my wife back in 2014. Back then, she was a single mom to a sweet little boy. Syempre, hindi rin ako nakaiwas sa mga opinyon ng mga taong nakapaligid sa akin.

“Plus one agad yan?”

“InstaDad ka niyan?”

Pero imbes na matakot at mawalan ng interes, I was really excited to meet her son. Syempre, may halong kaba pero nangingibabaw pa rin ang excitement. At nung dumating na nga ang araw na iyon, laking saya ko nang kami ay mag-click. Nakita ko na excited at masaya din syang makilala ako. 

My Official Panganay

‘Yun na ang simula ng aming kwento. Ang love story naming mag asawa, hindi lang tungkol sa aming dalawa, kundi kasama na rin ang anak niya–ang anak namin.

To cut the story short, we got married, and our small family started to grow. At kasabay nun, ang desisyon na gawing official panganay ko si baby boy. 


We had to attend court hearings to formalize my adoption to our Kuya. It took almost 2 years, but after receiving the final decision from the court, it was all worth it. I cannot express my feeling when I saw my last name on the birth certificate of OUR first son. MY first son.

So to get back to those questions, “plus one”? “Instadad”?  Does it really matter? Para sa akin, hindi. I believe that so long as your love and feelings are genuine, it will never be a hindrance to a happy life, a happy family–whether it is by blood or by love.

Kaya sa lahat ng mga tatay na walang pinipili ang pagsasakripisyo at pagmamahal, mabuhay kayo!

#SuperTatay Caloy at ang kanyang tatlong anak.

Tulad ni #SuperTatay Caloy, hangad ng Tala na maging isang financial partner na maasahan sa panahon ng pangagailangan. Kaya naman ‘wag mag dalawang isip mag-apply for a Tala loan dahil maging sino kaman, basta’t ikaw ay mag 1 valid government ID ay pwedeng pwede ka mag-apply!

Para sa mga karagdagang katanungan, visit our helpdesk for more information.

Share this article now: